Home

[Otistik] May sariling mundo

2 Comments

Alipin

Isang mundong ginagalawan
Isang dikit dikit na paraiso
Isang teknolohiyang hindi makabago
Isang hindi malaman kung totoo

Malaki ito at masalimuot
Malawak at maraming sulok
Hindi maitigil ang pagtutok
Bihag ng sakit sa batok

Hindi na alam ang gagawin
Kung wala ito’y halos mabaliw
Nahihirapan nang paghiwalayin
Ang totoo laban sa kathang isip natin

OO, ikaw ay alipin…
Hindi sa droga, hindi sa alak at hindi sa bisyo
Ikaw ay bihag at alipin
Ng teknolohiyang kung tawagin ay…

INTERNET!

Woot!

Kailan kaya magkakaron ng tamang salitang tagalog para sa Internet?

Hmmm… Ang post na ito ay para sa mga taong hindi na mapaghiwalay ang katotohan sa kathang isip lamang at para sa mga taong hindi mahimay na hindi lahat ng nakakasalamuha nila sa internet ay tanga at nagpapaloko. Gising kapatid. Wala sa internet ang totoong mundo… Nasa Atari* haha!

Nakakabugnot dito sa office 😦

Paliwanag tungkol sa Atari:

Para sa mga hindi nakakaalam…

*Ang Atari ay isang elektronikang laruan na ikinakabit sa telebisyon. Upang makapagliwaliw sa walang humpay na kaligayahan, dapat ay gamitin ang isang istik na may pindutan. Ito ang isa sa pinakamatandang uri ng video game console. Hindi ko na ito naabutan, siguro si Bro. Utoy at si Bluep naabutan pa to, matanda na sila eh! hahaha!

Advertisements

[Weekend Post] Mga bagay-bagay

4 Comments

Malakas ang ulan dito sa Dubai ngayon, Halos 3 araw na hindi maganda ang panahon. Pero minsan pala, kahit umuulan, mas masaya ang usapan at kwentuhan hawak ang isang tasang kape, at isang kahang yosi.

Ang nakaraang linggo ang isa sa pinaka-nakakapagod na linggo ko sa trabaho at sa personal kong buhay. Ilang araw din akong pumasok sa opisina kahit may lagnat ako. Isinubsob ang sarili sa trabaho upang maabot ang aking weekly target.

Ang global crisis ay nadarama na rin dito sa Dubai. Nawala na ang mga katagang ” Dubai will be untouched by the Global Crunch”. Yet indeed, Dubai has been hardly hit, especially the real estate sector. Why I did most of this paragraph in english, I don’t know. But Global Crunch is here and everyone is chewing it like it’s a bag of cheetos.

Waaa… san naman nanggaling yun? hahaha!

Mga natutunan ko sa mga nakaraang araw:

  • Masarap magpatawad, mahirap makalimot
  • Mahirap ‘i-please’ ang mga matatalino
  • Mahirap mag diet ulit (lumobo talaga ako pramis)
  • Masarap amuyin ang pantalon ko na pinadala sakin galing pinas. (homesick)
  • Mahirap makipag-away sa ibang lahi gamit ang sari-sariling wika
  • May nanghusga sakin na mukha daw akong bakulaw (LOL)
  • Napakaganda siguro niya (Nakakahiya tuloy)
  • Iba ang friends sa ‘friends with benefits’
  • Parang mga Legoβ„’ ang mga Pinoy sa Dubai – Kabit-kabit
  • Nababawasan ko na ang aking paninigarilyo
  • Mahirap mangako sa mga taong matalas ang memorya
  • Marami ang nawawalan ng trabaho ngayon. (sigh)
  • Marami ang may trabaho na nagsasayang lang ng sweldo
  • Hindi lahat ng lobo ay lumilipad, ang iba ay pumuputok na lang bigla
  • Walang pinipiling edad ang pagka-adik sa ‘Gears of War’
  • Mas masarap magplano pa rin ng adbans, napapaghandaang mabuti
  • Hindi hadlang ang panahon (weather) kung gusto mo talagang lumabas
  • Minsan hindi lang chalk ang basa kaya walang pasok sa eskwela. Pati blackboard.
  • Alipin ng kidlat ang Burj Dubai dahil ito ang tallest building sa mundo
  • Sira ata ang lens ng camera ko dahil may nakikinig akong kakaibang tunog
  • Hindi dahil maaga kang pumasok sa office ay pwede ka nang tumakas sa paguwi sa hapon (guilty)
  • Hindi masarap ang Bicol Express pag ang gata ay galing sa lata at ang tatak ay indiano (o hindi lang ako marunong? palusot)
  • Ilang araw na akong kinakabahan hehe
  • Kilala ko na ang masisipag na nagkokomento sa aking pitak
  • Gagantihan ko sila ng isang post sa mga darating na araw πŸ˜€
  • Masama ang gumanti, mabuti lang kung sa magandang paraan
  • Hinanap ko pa sa google earth ang DNATA sa may clock tower. Takot maligaw
  • Hindi nakakatuwa ang pag delay sa aming increase
  • Hindi ko gustong katabi ko ang sales manager ng aming kumpanya (Bloody Bastard – Reaksyon niya palagi sa kausap niya sa telepono) bad influence
  • Masarap makausap muli ang mga taong hindi mo kinakausap dati dahil sa mga dahilang kayong dalawa lang ang makakaunawa πŸ™‚
Wala lang, pusa lang sa labas ng bahay namin

Wala lang, pusa lang sa labas ng bahay namin

Maikli

1 Comment

ang post na ito ay maikli. end.

(ito ang pinaka-maikling post)

Street foods atbp.

4 Comments

Maraming nagsasabing madumi ang street foods, pero marami rin naman ang tumatangkilik nito. Ang street foods kasi ay kasama na sa kulturang pinoy, isang agarang sagot sa gutom at panandaliang pamatid uhaw. At ang listahan ko ng mga street foods na naaalala ko ay:

*Fishballs – all time favorite ng mga pinoy, masarap ang lasa nito sapagkat ang mantika ay isang linggo nang hindi pinapalitan, dahil dito, nanunuot sa bawat bahagi ng fishball ang “unique” flavor nito. Ilang beses na akong sumubok magluto ng fishball sa bahay, bumili pa ako ng brand na gamit ng nagtitinda ng fishball sa amin sa Aguado Malacanang, Ngunit hindi ko makopya ang lasa ng fishball sa kalye. Presyo: 50 centavos/each pag luto, libre pag hilaw.

*Squidballs – Niluluto kasama ang fishball ngunit hindi naglalasang fishball. Mas mahal kumpara sa fishball pero mas masarap din naman. Kung pagmamasdang mabuti ay napakasarap tusukin ng squidball, malaki kasi ito, pero para itong lobo na pag tinusok mo ay liliit, parang false advertising. Gawa daw ito sa nabubulok na pusit, yun ang sabi ng mga nakatatanda. Nabubulok man o hindi, masarap pa rin. Presyo: 2 pesos/each pag luto, ??? pag hilaw.

*Chicken balls – Masama ang epekto ng chicken balls sa mga taong maraming allergies. May pinsan kasi ako na hindi naman allergic sa manok (may poultry pa nga sila) pero noong minsang nilasap nya ang balls na ito ay muntikan na siyang mag-choke. Namaga bigla ang kanyang lalamunan at sumikip ang daluyan ng hangin. Hanggang ngayon, isang malaking misteryo pa rin ang nangyari sa kanya, ano nga kaya ang ingredient na nagdulot nito? Presyo: 2 pesos/each pag luto ??? pag hilaw.

*Balot – Masarap ang balot, pero para sa mga banyaga, pang “fear factor” ito. May mga tao na hindi kumakain ng sisiw. Nakakadiri daw. Ako masaya na pag nakakain ng balot, good source din kasi ito ng protein. Lahat pati ng makolesterol ay masarap. Balot included. Presyo: 8-10 pesos/each pag luto, 5-7 pesos pag hilaw.

*Penoy – Pag ang itlog hindi naging balot, nagiging penoy. Parang ordinaryong nilabong itlog, pero ang penoy ay may ekis na ginamitan ng lapis o lumang crayola. Presyo: 6-8 pesos pag luto, 4-5 pesos pag hilaw.

*1 day old chicken fetus – I tried it once, I’ll never eat it again. Hindi ako pihikan sa pagkain pero hindi ko talaga ito masikmura. Weird yung lasa, weird din yung texture. Weirdo. Presyo: 3-5 pesos/each pagluto. Hayaan na lang mabuhay at lumaki kung hilaw para maging isang masarap na fried chicken pagdating ng panahon.

*Double-dead na chicharon – Pangalan pa lang nakakatakot na, hindi naman masama ang lasa nito, pero noong minsan na kumain kami nito kasama ang kaibigan kong si Duduy sa Pedro Gil ay nilagnat ako. Hindi ko alam kung dahil double-dead yung kinain ko o dahil lang masyadong maraming vetsin na inilagay si manong. Presyo: 5-10 pesos isang salop pag luto. Matapang ang kakain nito ng hilaw.

*Calamares – Sinubukan ko din ito ng isang beses, ok na rin kahit papaano. Kaya lang bigla naman kumalat ang balita na may formalin ito. Ok sana kaya lang yung pinaglulutuan ay nangingitim na. Hindi na ako muling kumain nito. Hindi pa ako patay para magkaron ng formalin sa katawan. Presyo: 3 pesos/each pag luto. Hindi mabubulok dahil sa formalin pag hilaw.

*Kwek-kwek at Tokneneng – Nilabong itlog na ibinalot sa misteryosong orange na mixture na gawa sa harina, tubig, vetsin. Pagkatapos ay ipiprito. Isasawsaw sa suka. Ok rin na pantawid gutom. 3-7 pesos/each pag luto, ??? pag hilaw. Nakakadiri naman kung hilaw yung orange na coating nito.

*Mga inihaw na bagay – hindi ko na ito ipapaliwanag. Alam na to ng lahat. Panalo pa rin ang isaw sa UP at ipaglalaban ko ito ng patayan. Priceless!

*Sorbetes – Binansagang dirty ice cream. Iba ang lasa nito kumpara sa Magnolia or Selecta. May kakaibang sipa ito, lalo na sa tiyan pag totoong “dirty” ang nakain mo. Pero karaniwan ay hindi yung sorbetes ang madumi kundi ang kamay ng nagtitinda nito. Ikaw ba naman ang umihi sa tabihan, sabay serve ng sorbetes. Tuwang-tuwa naman ang kumakain. Sarap! hahaha! Presyo: 5-10 pesos/each pag ok. Hindi mo gugustuhing bumili pag tunaw.

*Scramble – Kulay pink, may kakaiba rin na lasa at mas masarap kung marami yung inilalagay na gatas at chocolate syrup. Kung hindi mag-iingat, maaaring maging biktima ng diarrhea, pananakit ng tiyan at stroke. Joke lang, hindi yan cause ng stroke. hehe! Presyo: 5 pesos/cup pag ok. Kulay mertiolet pag tunaw.

*Palamig – Juice ng medyo kapos sa pera. Kadalasan makikita mong yellow ang pineapple juice, pero pag natikman mo na ay parang malamig na tubig lang na may asukal. Hindi ako umiinom nito, hindi ko kasi alam ang pinanggalingan ng tubig na ginamit dito. Ipagpapalit ko ang isang container nito sa isang pirasong sachet ng extra joss. Presyo:2-5 pesos/cup. Libre ang pananakit ng tiyan.

*Mais – Ang mais ay medyo messy na kainin sa publiko. Didikit kasi sa bibig mo ang mantika na galing sa mantikilyang ipinahid dito. Ang sabaw naman ay dadaloy sa iyong braso kung wala ito sa plastic at basta nakatuhog lang sa stick. 10-15 pesos/each pag luto. 5-10 pesos/each pag hilaw.

*Mangga at Singkamas – Nakababad sa malabong tubig na nakalagay sa malaking lumang garapon ng ladies choice. Hindi ako mahilig sa singkamas, parang niloloko mo lang kasi ang sarili mo pag kumakain ka nito, wala kasing lasa. Yung mangga naman ay ayos lang, basta hindi galing dun sa maduming tubig. Presyo: hindi ko alam, hindi ako namamalengke. Grocery ako kasi sosyal ako, hindi… wala akong pera kaya wala akong pamalengke…

*Chicharon na bituka ng manok – Malutong, kulay brown, maraming vetsin at asin. Mainam din na ulam sa kanin kung medyo kapos sa budget o pag nakalimutan kang padalhan ng allowance ng magulang mo na nasa probinsya. Presyo: Depende sa dami pero karaniwan ay 5 pesos/each. Pag hilaw wala akong idea.

*Chicken skin – Chicharon na gawa sa balat ng manok, may kaakit-akit na aroma na talagang hindi mo mahihindian. Mayaman sa kolesterol. Kumbaga eh parang ito ang isa sa bill gates ng kolesterol. Presyo: 10 pesos/maliit na supot. 25 pesos per kilo sa mall.

Madalas akong bumiyahe patungong Lucena city or Manila 0r vice versa. Sa bus marami ring pagkain. 4 na oras kasi ang trip kasama na dun ang trapik. Ok lang makalimot ng baon na pagkain pag sumakay sa bus, basta magaling kang pumili ng bibilhin mo. Eto ang ilan sa mga pagkain sa bus:

*Pinagong – Pag galing ka sa Lucena patungo ng maynila, alam mong nasa sariaya quezon ka na pag may sumisigaw na ng pinagong. Ito ay tinapay na mukhang likod ng dinosaur, masarap kainin habang mainit. Presyo: 10-15 pesos/pack pag luto. ??? pag hilaw.

*Buko pie – Malamang nasa parteng San Pablo laguna ka na pag ito na ang tinda. Parang mini buko pie sapagkat ito ay malaki lang ng konti sa cupcake. Sa unang kagat ay hindi mo mahahalata, pero habang tumatagal, hinahanap mo yung “buko” sa loob nito na para bang nahihiya sayo o nagtatago dahil wala kang malasahan na buko. Sa huli, para ka lang bumili ng normal na tinapay, sana nag-pinagong ka na lang. Presyo: 10 pesos/each pag luto. Kahit luto ay lasang hilaw.

*Mani – Kahit saan sumasakay sila, kahit hindi sila sumigaw ay malalaman mong andyan na sila dahil amoy bawang na ang buong bus. Ang punchline? “Mani, mani, mainit pa oh, masarap, may bawang, mani, mani, libangan sa biyahe oh, kutkutin sa biyahe!” yan ang sigaw ng tindero. Pwede palang maging libangan ang mani! kung paano? hindi ko alam, siguro parang PSP or mp3 player, lilibangin ka sa biyahe. Ikaw na ang bahalang dumiskarte kung paano ka malilibang, kung meron kang sinulid at karayom pwede mo rin sigurong gawing kwintas. Presyo: 5 pesos/isang maliit na papel na supot. ??? pag hilaw.

*Burger – Sa may Turbina, dito sumasakay ang mga tindero nito, sisigaw sila ng sisigaw ng “Barger, Barger Bagong luto!” hanggat hindi mo sila pinapansin. Bakit “barger” ang tawag nila? hindi ko rin alam. Siguro kasi dahil ang patties ng “Barger” na ito ay gawa sa 20% meat, 5% egg, 5% spices, at 70% flour. Presyo: 10 pesos/each pag luto, subukan mong kumain nito ng hilaw at balitaan mo ako ha?

*Bibingka – Sa may Tiaong-San Pablo boundary ito madalas matatagpuan, sa may riles ng tren. Malasa at mas gugustuhin ko pa kaysa buko pie. Presyo: 10-12 pesos/each pag luto. Parang tunaw na ice cream pag hilaw.

*Espasol – Gawa sa malagkit na uri ng kanin at nilagyan ng harina na medyo rough yung texture. Presyo: 10-15 pesos/each. Ready to eat!

*Macapuno at ube – Bite size pieces na nakalagay sa isang maliit na plastic. Masarap din pero palagay ko ay hindi ito pwedeng gawing “libangan.” Siguro yung ube pwede mong gawing clay o play doh. Gumawa ka ng ahas or dinosaur. Presyo: 10-15 pesos/pack. Ready to eat!

Haaay… alaala ng mga pagkain… pero dahil diet ako… sa imagination na lang muna… Parang Planetang pakaskas…

Hanggang sa muli mga batang Batibot! Weee!

Balik tanaw sa Nintendo (a.k.a. Family Computer)

1 Comment

Noong late 80’s, usong-uso ang family computer, madaming bata ang nahumaling sa paglalaro nito. Iba kasi ang saya at eksaytment na hatid nito, marami ring magkakapatid ang nag-aaway dahil nag-aagawan sa paglalaro. Masarap maging bata, kung bibigyan ako ng pagkakataon maging bata ulit eh palagay ko hindi na ako magdadalawang-isip pa. Isa ang pagkabata sa may pinaka maraming masayang alaala. Paglalaro ng Bankang papel sa kanal, maglaro ng chi-chu (di ko alam kung tama spelling ko), Taguan, Teks, Langit-Lupa, Saksak puso (brutal), habulan (pamparami ng peklat, sugat, at keloyd), turumpo, touching (medyo tunog bastos pero masaya to lalo na pag mat nakalagay na pampabigat ang pambato mo) atbp. Pero iba pa rin ang meron kang family computer, sikat ka. Madalas ang hiraman ng bala (cartridge), madalas din magkawalaan ng bala lalo na kung 100 in 1 ang bala mo. Mainit sa mata kumbaga.

Sa halagang 1,000 piso, may family computer ka na. Medyo may kamahalan na ito noong mga panahon na yon, pero ngayon, kulang pa ang 1,000 para sa isang matinong date kasama ang nililigawan mo o ang girlfriend mo. Malaking pera na ang 1,000 dati. Hehehe! at naaalala ko… piso lang ang pamasahe sa jeep.

Eto ang mga naaalala ko na games na nilalaro ko:

*Contra – kahalintulad ng Rambo pero meron kang ka-parner. Pag patay ka na, pwede kang mang-agaw ng buhay at ito ang madalas na pinag-aawayan ng magkalaro.

*Goonies – Hango sa isang pelikula noong 80’s, hindi ko ito natapos dahil lagi lang akong stuck sa stage 5.

*Pooyan – Mga wolf na umaakyat sa puno at huhulugan ka ng bato, o babatuhin ka ng kamatis para mamatay ka, kailangan mong tirahin ng pana ang mga lobo upang sila ay mahulog at mahulog patungo sa kanilang kamatayan.

*Pacman – all star favorite pero hindi ko ito masyado na-enjoy. Pero gusto ko ang teknik nya. Kain ng kain pero hindi tumataba.

*Rush and Attack – Parang contra pero sa halip na baril eh kutsilyo ang gamit mo. Isa sa pinakamatapang na laro. Susugod sa giyera kutsilyo lang? Yabang!

*Arkanoid – Parang ping pong pero kailangan mong basagin ang makukulay na parihaba upang makapunta sa kabilang stage. Hindi ko makuha yung logic, parang dexterity game din, more on hand-eye coordination.

*Mario – Ano ang silbi ng family computer kung wala nito? sa buong buhay ko, isang beses pa lang ako nakakita ng nakatapos ng mario 1, medyo mahirap.

*Adventure Island – Hango sa mario pero sa halip na plumber ay isa kang caveman (na may skateboard na nakukuha sa itlog).

*Baloon fight – one of the best games na nalaro ko, kailangan mo ng skill dito para hindi ka maputukan ng lobo ng kalaban. Simple lang pero hindi nakakasawa, tipong pag naiinip ka na sa game eh lumipad ka lang ng mababa dun sa may tubig at aliwin mo ang sarili mo dun sa lumalabas na malaking isda na nagtatangka sa buhay mo.

*Bomberman – ihanda mo ang papel at lapis para kahit mamatay ka eh maiitago mo ang password at hindi ka babalik sa stage 1.

*Ice Climber – nakakangalay pumindot ng A button para makatalon ka at makabasad ng mga bricks. Yung polar bear, makulit.

*Donkey Kong Jr. – All time classic.

*Elevator action – Masayang laruin, medyo mabagal nga lang yung gameplay kasi mabagal yung mga elevator.

*Galaga – Isa kang spaceship na walang magawa kaya binubulabog mo ang mga alien na mukhang insekto. In return, susugurin ka nila at sisiguraduhing hindi ka makakaligtas, ang tanging paraan para lumakas ang fire power mo ay ang magpa-capture at iligtas ang kasamahan para 2 na kyo na bumabaril.

*Galaxian – Kapatid siguro to ni Galaga, hindi kaya ay third cousin.

*The legend of Kage – Isa kang ninja, sinulot ng kalaban ang girlfriend mong geisha at ngayon ay puno ng poot ang iyong damdamin kaya gusto mong gumanti. Paikot-ikot lang ang istorya hanggang mamaga na ang mga daliri mo sa pagpindot ng controller.

*Robocop – Sa movie, astig si robocop, parang untouchable ng kahit anong nilalang, pero sa video game, nasasaktan siya pag nilundagan siya ng pusa sa alley. Weak si Robocop.

note: Up,Up,Down,Down,Left,Right,Left,Right,A,B,A,B,Select,Start. Kung gagawin ito sa isang laro, maari kang magkaron ng 30 lives sa contra, god mode sa life force at gradius atbp. Kailangan mo na lang bumili ng family computer…

Ang araw ng Linggo

Leave a comment

Umaga na ako nakauwi galing sa birthday party ni Giselle, Kapatid ng kaibigan kong si Peach. Masaya yung party at talaga namang nagbabad kami sa videoke hanggang alas 4 y medya ng umaga. 5:30am na ako nakauwi ng bahay, gising na ang nanay at tatay ko at nagkakape sila pagdating ko. Gaya ng nakaugalian, mano, paliwanag kung saan ako galing, baba sa kwarto ko sa basement, hubad & hubo, quick hot shower, bihis, sigaw ng good morning, sabay higa, at tulog.

Naalimpungatan ako sa pagkakatulog. Kinatok nya ako sa kwarto ko ng pagkalakas-lakas. Sumigaw na lang ako at sinabing tulog pa ako. Masama ang ugali ko pag ginigising ako ng wala sa oras, nasisira din ang buong araw ko pag ganun. Kaya kung gigisingin mo ako ng wala sa oras, magdala ka na ng pananggalang o baluti, dahil tiyak, ibubuhos ko sayo ang galit ko.

Alas-4 na ako ng hapon nagising, kumuha agad ako ng pagkain sa taas. Ok naman yung araw na to kasi hindi masyadong umulan. Nanghihinayang lang ako dahil halos kalahati ng araw ko eh natulog lang ako. Hindi naman ako masyadong uminom kagabi, siguro 3-4 na tagay lang, nilibang ko ang sarili ko sa pag-awit at pagkain ng pulutan. Pero dahil halos bukang liwayway na ako nakarating sa bahay eh plakda talaga ako sa kama.

Lumabas ako ng bahay bandang alas-9 ng gabi, nasa tambayan kasi ang barkada. Tutal wala naman akong gagawin eh pumunta ako dun. The usual, yosi, kwentuhan, DOTA, at short visits sa 7-11 para bumili ng c2.

Ang oras na ngayon sa relo ko ay alas-4 ng umaga, Lunes na at kakarating ko lang sa bahay.

Minsan naiisip ko na nasasayang ang oras ko sa mga walang kwentang bagay, may mga araw kasi na hindi talaga ako productive, tipong lumilipas yung oras na wala akong nagawang significant sa buhay ko o sa buhay ng ibang tao. Pag nasa Manila naman ako, palagi naman akong may ginagawa, para akong robot, hindi yung tulad ni robocop, R2D2 o Daimos. Yung robot na naka-program dahil lahat ng kilos ko naka plot. Pag may plan ako sa isang araw eh hindi na kita maiisingit, mapwera manlilibre ka sa Sbarro o Starbucks. hehehe!

Ang dami kong librong gustong basahin, sobrang dami kong oras para magbasa, pero hindi ko pa rin magawa, stuck ako sa harap ng laptop, nagbabasa ng kung anu-ano o nanunuod ng video, either sa youtube or sa streaming website ng family guy.

Masarap tumambay kasama ang mga kabarkada ko, kaya lang hindi naman habambuhay pwedeng tambay lang, kanina habang naglalaro sila ng Dota eh nakaupo lang ako sa labas ng computer shop, nagyoyosi at nag-iisip… Ano na ang dapat kong gawin sa buhay ko? parang ambagal kasi ng mga papers na inaasikaso ko, naiinip na ako maghintay. Madami kasi akong plano na parang naka-hold ngayon dahil lang sa simpleng error sa Birth certificate ko. Gusto ko nang umalis, gusto ko nang magtrabaho ulit, at may gusto na akong makita…

Importante ang oras, importante rin ang panahon, importante ang mga pagkakataon… Pero palagay ko, mas importante muna sakin ang mangarap… dahil habang wala pa akong ginagawa, binubuo ko naman ang bagong plot ng buhay ko.

Mukha man akong tambay… planado naman ang buhay…. dahil sa huli, ikaw na nangangarap ang bumubuo ng mas magandang kinabukasan para sa sarili mo at hindi ang ibang tao.

Ang epekto ng Journey… Senti mode

Leave a comment

Addicted to listening to Journey’s Steve Perry and the Journey’s new lead vocals Arnel Pineda (Made in the Philippines). Trying to compare these two… no time to write today… Senti mode muna… LSS (Last Song Syndrome) na ako sa “Open Arms” at “Faithfully.” Magaling si Arnel, sa totoo lang, bilib talaga ako sa kanya, gaya niya, isa rin akong mang-aawit sa isang banda, pero hindi ako magaling, medyo marunong lang. Madalas akong magmasid at makinig ng mabuti pag may nakikinig akong kumakanta. Para akong isang scientist na pinag-aaralan ang bawat teknik na ginagamit ng mga pinapanood ko. Isa pa si Charice Pempengco, napakagaling din umawit ng batang ito, humanga ako noong napanuod ko siya sa youtube. Para sa kanilang 2, isang tagay ng tagumpay, isang hithit sa yosi na walang humpay! Mabuhay ang mga totoong Filipino Artists!

Magaling si Steve Perry, magaling din yung replacement nya na si Steve Augeri, pero may nabasa ako sa ibang forums na yung ibang concert ni augeri ay lip synced. Arnel Pineda was a perfect choice, hearing the original records of Journey, talagang kaboses nya si Steve. Mas maganda siyempre yung original dahil doon tayo nasanay, pero Arnel has a different sytle, para sakin mas powerful yung boses nya, at iba yung youthful energy nya.

Gustuhin ko mang sumulat, malamang cheezy corn bits lang maisulat ko dito. Pag kasi feelings ko nanaman ang isinulat ko eh talk of the town nanaman sa barkada. Nagbababad ako sa smooth jazz, power ballads at love songs ngayon, epekto nanaman to ng ulan. heheheh!

Hindi bagay sa hitsura ko ang magmahal… Mukha kasi akong pusong bato, pero mas gusto kong tawagin ako na “pusong metal” whhoooooaaaaa! rak en rol! Pero balik muna ako sa senti mode. Bukas siguro makakapagsulat na ulit ako. Sa lahat ng fans ng Journey… I think Arnel will keep your fire burning. Journey is back… lets just enjoy it.

Older Entries

%d bloggers like this: