Ang pagbabalik ng aking munting pitak matapos ang 3 taon na pananahimik ay isang munting hakbang upang maibalik ko ang hilig ko sa pagsusulat.

Sa nagdaang 3 taon, marami akong karanasan at aral na nais kong maibahagi sa inyo. Ang mga susunod na limbag ay hango sa tunay na pangyayari, bagamat ang pangalan ng ibang tao ay babaguhin para protektahan ang pribado nilang buhay.

Una sa lahat, hindi ko na alam kung ano at paano gamitin ang mga bagong options sa wordpress kaya mangangapa muna ako ng konti. Pangalawa, halos lahat ng nasa blogroll ko eh deadlinks. Wag niyo na i-click. Buburahin ko yan lahat, pero kung sakaling buhay pa ang blog mo at sumusulat ka pa eh pwede kang mag-iwan ng comment ng link exchange at sumigaw ng “Objection your Honor! The link you are trying to delete is still functional, it is therefore unjust to remove these links!”

Para sa lahat ng mga naging kaibigan ko sa blogging (at sa labas ng blog), maraming salamat! Para sa aking asawa na nakilala ko rin dahil sa blogging… mahal na mahal kita [husky voice] lol!