Home

[Tuta] Gobyernong Walang Bayag

8 Comments

Una sa lahat, saludo ako sa mga sundalong Pilipino na handang isugal ang buhay para sa bayan. Ngunit ako naman ay malaki ang pagkadismaya sa kanilang mga pinuno.

Maikli lang ang limbag kong ito. Nais ko lang sabihin na walang bayag ang ating gobyerno dahil nakikipag negosasyon sila sa mga terorista.

Parang sinabi na rin na kayang-kayang paikutin ng mga terorista sa kanilang mga kamay ang sitwasyon. Kidnap dito, pugot doon, demand dito, kubra dito, takas doon, tago dito.

Inutil ang gobyerno ng Pilipinas, yan ang nakakalungkot na katotohanan. At ang mas nakakalungkot pa ay ang buhay ng ating mga matatapang na sundalo ang ginagawang pantaya sa larong wala namang mananalo.

Buti pa ang Media, nakukuhanan pa nila ng magandang exposure ang mga rebelde. May mga kuha pa na akmang nakataas ang mga baril at tila naninindak. Kung ang media nga natatagpuan ang mga terorista, bakit ang militar na daang milyong piso ang pondo para sa intelligence gathering ay hindi makita ang mga teroristang ito?

Ang mga may kapangyarihan, inutil, ang mga lider, inutil, ang mga sundalo… kawawa.

Ilang tatay na sundalo pa ang iiwan sa kanilang asawa’t anak? ilang magulang pa ang iiyak sa pagkawala ng kanilang anak? ilang buhay pa ang kailangang ibuwis para matapos ang lahat?

Ang gobyerno natin na sobrang yabang ay tumutupi ang buntot sa harap ng mangilan-ngilang terorista.

How Pathetic… 😦

Kung ako ang bihag, papayag na akong masawi sa gitna ng bakbakan, madurog lang at magapi na at matapos na ang kaguluhang ito. Sacrificial lamb… parang ganun. Siguraduhin lang nila na matatapos na…

Malaking kwarta kasi ang maaaring makulimbat sa giyera…

At akala nila hindi natin alam na ang supply ng mga armas, bala, granada etc. ay galing din sa ating gobyerno.

Wow…

Advertisements

[Otistik] May sariling mundo

2 Comments

Alipin

Isang mundong ginagalawan
Isang dikit dikit na paraiso
Isang teknolohiyang hindi makabago
Isang hindi malaman kung totoo

Malaki ito at masalimuot
Malawak at maraming sulok
Hindi maitigil ang pagtutok
Bihag ng sakit sa batok

Hindi na alam ang gagawin
Kung wala ito’y halos mabaliw
Nahihirapan nang paghiwalayin
Ang totoo laban sa kathang isip natin

OO, ikaw ay alipin…
Hindi sa droga, hindi sa alak at hindi sa bisyo
Ikaw ay bihag at alipin
Ng teknolohiyang kung tawagin ay…

INTERNET!

Woot!

Kailan kaya magkakaron ng tamang salitang tagalog para sa Internet?

Hmmm… Ang post na ito ay para sa mga taong hindi na mapaghiwalay ang katotohan sa kathang isip lamang at para sa mga taong hindi mahimay na hindi lahat ng nakakasalamuha nila sa internet ay tanga at nagpapaloko. Gising kapatid. Wala sa internet ang totoong mundo… Nasa Atari* haha!

Nakakabugnot dito sa office 😦

Paliwanag tungkol sa Atari:

Para sa mga hindi nakakaalam…

*Ang Atari ay isang elektronikang laruan na ikinakabit sa telebisyon. Upang makapagliwaliw sa walang humpay na kaligayahan, dapat ay gamitin ang isang istik na may pindutan. Ito ang isa sa pinakamatandang uri ng video game console. Hindi ko na ito naabutan, siguro si Bro. Utoy at si Bluep naabutan pa to, matanda na sila eh! hahaha!

Protected: [Today]…

Enter your password to view comments.

This content is password protected. To view it please enter your password below:

Ang Ulilang Lubos

7 Comments

Alamat ng Mangga

Alamat ng Mangga

Gabi habang malakas ang hangin sa labas at ang langit ay nagbabadyang umulan ng umalis si Jeff sa eskwela. Inabutan siya ng munting ambon habang naglalakad papauwi na naging dahilan kung bakit naging putikan ang kanyang mga paa. Mahirap lang si Jeff, hindi na kailangan ng ano pang paliwanag upang makita sa hitsura niya ang kanyang kalagayan.

Ulila sa Ina si Jeff. Namatay ang kanyang ina noong siya ay isinilang. Ito rin ang pinakamabigat na dahilan kung bakit malaki ang galit ng kanyang ama sa kanya.

Malalim na ang gabi bago siya nakarating sa kanilang bahay at kahit na ambon lang ang kanyang sinugod ay basang basa siya dahil sa 20 Kilometrong layo ng kanyang nilakad. Pagod na si Jeff at nais nang magpahinga, hahayaan na lang ang kumakalam na sikmura dahil wala rin namang makakain sa kanilang bahay. Wala ang kanyang ama sa kanila, at mukhang hindi na uuwi ng gabing iyon.

Iniayos ni Jeff ang munti niyang papag upang makahiga na, wala nang panahon para mag-aral at masyadong madilim ang aandap-andap na lamparang nagsisilbing ilaw sa buong bahay, wala rin namang pasok kinabukasan dahil Sabado. Mahirap lang ang buhay ni Jeff, ngunit siya ay matalino. Ilang araw na lang at nalalapit na ang kanyang ika 11 kaarawan, sabik na siyang regaluhan ang sarili ng bagong pantalon na maiisuot niya sa paaralan. Pagkabangon niya sa kama ay naisip niyang kunin ang kanyang alkansya upang madama niya ang bigat nito.

“Magkano na kaya ang laman ng alkansya ko?” Sambit ni Jeff sa kanyang sarili habang inaalog at pinapakalansing ang bawat baryang laman ng alkansyang gawa sa lumang lata ng Nido. Solo sa bahay si Jeff, wala pa rin ang kanyang ama. Ang tanging kasama niya ay ang lumang transistor radio na nakatutok sa Am radio. Walang ibang tunog na masasagap kundi ang malabong boses ng nagkokomentaryo tungkol sa bulok na sistema ng pamahalaan. Walang pakialam si Jeff, ang nais lang niya ay may marinig siyang boses para hindi niya maramdaman na nag-iisa lamang siya.

Dahil walang ibang pagkain, naisip ni Jeff na manguha na lang ng prutas sa puno ng mangga sa labas ng kanilang bahay, mainam na rin na panawid gutom lalo na’t wala ka namang ibang pagpipilian.

Habang nasa ibabaw ng puno ay narinig niya ang tinig ng isang lalaki…

“Jeff?” Pasigaw na sambit ng lalaki sa may di kalayuan.

“Antay lang ho at bababa ako ng puno” tugon ni Jeff sa lalaking ngayon lamang niya nakita.

Malapit na si Jeff sa paanan ng puno ng dumungaw sa bakuran nila ang lalaki.

“Iho, ikaw ba si jeff na anak ni Tasyo?”

“Ako nga po… ano po ang…”

Agad sumabat ang lalaki at sinabing “Sumama ka sakin Iho at ito ay importante, ang ama mo… nadisgrasya!”

Nagliparan ang mga ibon sa paligid na tila ba’y natakot sa balitang hatid ng misteryosong lalaki.

Itutuloy…

%d bloggers like this: