They said we can't make it. We proved them wrong... :)

They said we can't make it. We proved them wrong...šŸ™‚

Ngayon ay isang taon na ang Eto Ang Sayo!

Kung dati ay nagpo-post pa ako ng monthsary ng blog ko, ngayon ay hindi ko itinuturing na espesyal araw. Hindi na sa internet nakatutok ang buhay ko. Mas lumalabas na ako ng bahay ngayon at mas nabibigyan ko ng atensyon ang mga mahal ko sa buhay.

Walang espesyal ngayong araw na ito kundi ang alaala kung kelan ako nagsimula, paano ako natuto, paano ako nakitungo, paano ko tinalikuran ang nakaraan at paano ko tinanggap ang mga bagay na hindi ko na maibabalik.

Malaki ang naitulong ng blogging sa akin para maka-move on at para maghilom ang mga sugat na natamo ko sa nakaraan. Naging magandang palipasan din ng oras ko ngunit mukhang mas maraming oras ang nasayang ko sa blogging na sana ay naigugol ko na lang sa totoong buhay.

Yun lang… Anong inaasahan ninyo? lobo at kainan? Recession eh! Pass muna! hehe!

P.S. Wow! May lurker mode! Mag-comment ka naman! haha! [sabay bato ng kornik kay Meyn]