Nahihirapan na akong mag saayos ng oras ko sa trabaho. Naging matagumpay ako sa ipinangako ko sa aking sarili anim na buwan na ang nakaraaan na ako ang magiging pinakamabilis mag update ng press releases sa website na aking pinangangalagaan. Ngunit ang lahat ay may kapalit.

Nagsimula ako sa trabaho ko ng may dalang kaba sa aking dibdib. Hindi sana ako bagay sa trabaho kong ito kung wala akong alam sa mga website. Salamat na lang sa tulong ng mga naging kaibigan ko sa blogging ay lumawak pa ang aking kaalaman.

Hindi naman ako masipag, antukin nga ako sa trabaho. Ngunit dahil gusto kong makakita ng resulta ay pinagbuti ko ang aking pagtatrabaho.

Naging mahirap ang mga nagdaang araw para sakin. Hirap na akong bumangon sa kama at araw-araw na ginawa ng diyos ay parang namamagnet ako sa kama ko. Napatunayan ko na siguro sa office kung ano ang kaya ko, ngunit sa hindi maiwasang dahilan ay nagiging malaki ang aking alinlangan sa aking career.

Masaya naman ako, ok ang mga kasama kong pinoy dito. “Pinoy Mafia” kung bansagan kami ng ibang lahi dahil hindi kami naghihiwahiwalay. Mapa yosi o kape, sama-sama. Parang laging may bubugbugin. Pero wala naman, mabait naman lahat.

Hindi ko alam sa kanila pero burned out na ako.

I need a vacation… Sa Aman Pulo sana. hehe! o sa Maldives.

Minsan naiisip ko na sana naging robot na lang ako. Hindi napapagod, walang kunsensya, at walang pakiramdam.

I’m losing my grip.

Ngayong weekend, sisiguraduhin kong mag-eenjoy ako sa beach. Excited na ako sa sunset, sa petiks mode, at sa kwentuhan. Kelangang mag unwind. Mababaw nga siguro ako, pero naniniwala kasi ako na ang mga simpleng bagay talaga ang makakapagpa-appreciate sayo ng kung anong meron ka. Simple joys in life.

Hindi ako maglalangoy dahil malamig at ayaw kong may kasamang ibang lahi sa dagat. Minsan kasi eh nanghihipo sila sa ilalim ng tubig😐 baka mapaaway pa ako at makulong. Sights, sounds, ang conversations… I’m looking forward to it.

Last year natuto na akong maging pasensyoso. Sana hindi na ako bumalik sa dati kong nakagawian. Ngayong taon ay pinipilit kong ihiwalay ang work ko sa personal kong buhay.

Masaya ako lately🙂 pagod lang ako kaya ako nagkakaganito. Magiging maayos din lahat sa mga nalalapit na araw. At…

Nasasabik ako sa Tuyo at itlog na pula na may kamatis huhuhu!