Jonas: Pare ano ba ang katumbas ng LSS pero tao ang naiisip mo?

Mix: LPS pare…

Jonas: Ano yun?

Ang LPS ay…

Isang hindi maipaliwanag na penomena kung saan ang iyong naaalala ay ang huling taong iyong nakasama. Maaaring isang kaibigan, kasintahan, isang kamag-anak o kaaway.

Ayon sa mga dalubhasang siyentipiko, Ang LPS ay parang LSS (Last Song Syndrome) din, ngunit ang imahe ng isang tao ang naglalaro sa isipan ng tao, sa halip na musika na huling napakinggan.

Ang LPS ay maaaring maging sanhi ng stress kung ang taong palaging sumasagi sa isipan ay ang kaaway. At maaari namang maging maaliwalas ang pakiramdam, lalo na kung ang iniisip ay ang kasintahan o ang taong pinakamamahal.

Depende sa mga pangyayari, ang LPS ay maaaring magtagal ng 1 araw, hanggang sa hindi masabing panahon. Maaari din namang maging sanhi ng matinding prustrasyon kung ang taong iniisip ay hindi makamit, o hindi makasama.

Wala pang gamot sa kakatwang pangyayari na ito.

Jonas: Ah ok… tara kape tayo.

Mix: Teka… Kamusta na kaya si… [put your desired name here]😐 LPS

Hindi nalutas ang problema. Kulang daw sa substanya.