Hmmm… [sabay himas sa balbas para magmukhang nag-iisip na matalino]

Bakit nga ba hindi ko balikan ang pagsusulat? ngayong may oras na ako at kaya ko nang ibalanse ang work, love, life, kalokohan at pag-aaral sa buhay ko, nararapat lang na ibalik ko ang aking sarili sa “Blog Theraphy”.

Wala na ang mga araw na umaariba ang blog ko sa hits. Maganda yan, hindi na ako exploited. hehe! naubos na sila, ok sana ang hits kung kumikita ang blog ko eh… Monetize? Hmm… pwede na.

Masaya rin ako na “natira ang matibay” sa mga kaibigan ko sa blogosphere. Subok na kayo, pramis.

I just had a good conversation with a friend. Sa wakas, may nakausap na akong totoong tao. Apir! oo muntik na akong maligaw at masagasaan. ikaw ba naman ang tumawid habang nagyoyosi, may bitbit na camera, plastic bag at may kausap sa mobile kung hindi ka maging pre-occupied! LOL!

Masakit ang ulo ko ngayon dahil sa bus na sinakyan ko pauwi, tangina kasi, ang mga ibang lahi hindi makabili ng simpleng ‘deo’ kahit man lang magpahid na lang sila ng oregano, pupurihin ko na sila. Racist na kung racist, mabango naman ako😛 haha. Aray.😦

Kakatapos ko lang kumain ng sardinas, longganisang Pampanga’s best at sinigang na lapu-lapu. Konti lang ang rice, diet mode eh, para maiba naman. Kelangan ko kasing uminom ng gamot para sa sakit ng ulo. Natapos na sana ang araw ko ng masaya. Grr.

Walang masyadong happenings dito sa villa, global crunch eh! nagtitipid. Tiis-tiis muna sila sa alak. Hehe.

Gumanda na ang panahon, malamig pa rin ang hangin, masakit sa bumbunan. Hindi ako makalabas ng walang hood or bonnet.

Binigyan ako ng link ng kaibigan kong si Jonas ng cartoon na ‘one piece’, salamat sa pagtatangka mo Jonas na ibalik ako sa pagkabata at salamat din dahil masisira nanaman ang iskedyul ko. Nagtagumpay ka, nakakaadik ampf!

Ngayon ko lang na realize na kailangan ko na ng bagong mobile phone kasi nagloloko na ang telepono ko.😦 wala bang sponsor?😀

Hindi ako dapat gawing idol ni ifoundme sa photography dahil effortless ang pagkuha ko ng larawan ng pusa sa last entry ko. Program mode lang ate, life saver sa biglaang bunot ng camera. Dun lang naman ako magaling, sa “biglaan”.

Dubai Shopping Festival na ngayon, pero parang wala atang sale sa mga lens. Dinadaan ako sa sales talk, testingin ko nga lahat. Ayun awa ng diyos, sa limang tinesting kong lens, wala akong binili. Nililibang niya ako eh, nilibang ko na rin lang siya, naglilibangan kami. 2,400 AED na lens? Sale? Are you insane? U-lols! ano yan ginto? haha! tiyaga na lang muna ako sa kung anong meron ako. Ehem… sponsor anyone? ha.. ha.. haatsu! ha.. ha.. haypawndme! ehem! hahaha!

About naman diyan sa friends with benefits na yan… ah eh… mahirap i-explain. Pasensya na Yhen Huhu! Pero yang global crunch madali yan! Bagsak ang ekonomiya ng buong mundo, lahat ay nalulugmok. Isa lang senyales na hindi maikakaila na ang mga tao ay halos nilalamon na ng materyalismo. Food, Shelter, Clothing. Basic needs. Tapos! Saka na muna yang iPod, Bagong kotse, letseng habayanas na tsinelas, crocs, atbp. BASIC NEEDS.

Sana nga Bro. Utoy ay winter fats lang ito, at sana’y magkaroon din ng summer thin😐 diet mode ka na rin! rule of the thumb, walang kanin! in your case, pasta! haha! Sana’y magkadaupang palad na tayong lahat paguwi ko ng Pinas. May irereto ako sayo😀 joke!

May silbi naman ang google earth, kahit papaano eh nakita ko agad ang nagmumurang billboard ng DNATA. haha!

Bukang liwayway o Takip Silim?

Bukang liwayway o Takip Silim?

Kakalungkot kasi nagloloko ang lens ko… ooops! Materyalismo!😀

Ka-chat ko kaninang umaga si Mam’ Maryz ng UP Diliman. Salamat po at napili ninyo ang aking blog sa pag gawa ng inyong pagsasalik-sik. Nawa’y maturuan niyo sila ng leksyon! (parang mambubugbog lang oh! LOL!)

Pag madilim, malaki ang chance na ang spelling ng LOLS ko ay KIKS! ampf!

Masarap magkaron ng bagong-lumang kaibigan, nakakakonpyus.

Maituloy ko kaya ang araw-araw kong pagsusulat?

Hmmm… [sabay himas sa balbas para magmukhang nag-iisip na matalino]