Masaya ako dahil nakasama para sa Dec 1-7 Photo Gallery ng Gulf News (Isa sa pinakamalaking pahayagan sa gitnang silangan) ang isa sa aking mga amateur na litratong kinunan sa bagong bukas na Dubai mall.

Ang larawan ay makikita dito –> “Gulf News Readers Gallery” ika-17 siya sa gallery, yung kisame na kulay narangha (orange). Aw at least napangiti ako bago matulog… haayss… nakakatanggal ng stress.

Sunod kong ipapasa sa Gulf News ang mukha ni ifoundme… Game? para mas lalong dumami ang mga fans mo na magsasabit sayo ng sampaguita at magpupunas sayo ng panyo haha! joke lang ate…