The Light Post

The light post in front of our villa... walang watermark, tamad kasi ako. hehe!

Sa mga nakaraang araw ay aking napagalaman kung gaano ka-importante sa akin ang magsulat. Marami akong gustong ilimbag ngunit wala naman akong panahon, palaging pagod, puyat, at abala sa mga bagay na makakapagpalipas ng oras.

Akin pang naaalala ang mga panahon na napakasipag kong maglagay ng post sa aking pitak, halos araw-araw ay nakakapaglagay ako ng bago, lalo na noong bago ako magtungo dito sa Dubai, marami kasi akong pinapatay noon, oras, kalungkutan, pangungulila at kalungkutan. Marami akong oras na pwedeng sayangin dahil ako, ang laptop ko, at ang basement ko lang ang mundo ko. Tumitigil ang pag-ikot ng aking mundo sa tuwing aking ikinakandado ang pinto ng aking munting silid.

Kakatapos ko lang magbasa ng mga nakaraan kong limbag, nakakatuwang isipin na marami akong naging kaibigan na kahit na hanggang ngayon na hindi na ako nagsusulat gaano ay nakakausap ko pa rin sila sa pamamagitan ng mensaherong yahoo. Totoong walang permanente, at ang isang bagay na hindi permanente ay sa isip lang natin tumatatak. Mga bagay na lumipas na para bang kailan lang (ngayon ay pasko tayo ay mag-awitan, pasko, pasko, pasko nanamang muli, tanging araw nating pinakamimithi…).

Bago nanaman ang dashboard, talaga atang napagiwanan na ako ng wordpress, kailangang masanay na akong muli.

Ang mga limbag ko dati ay parang isang talasulatan, nakakahiya sapagkat parang naging bukas na libro ang mga nangyayari sa buhay ko. Nakakahiya pag nabasa ng mga magiging apo ko, sabihin naman eh masyadong madamdamin ang kanilang lolo. Pero hindi ko muna yan dapat isipin… wala ngang katipan, apo pa kaya?😐 ngek.

Sa aking mga Kabataq, hindi ko pa rin kayo naiidagdag sa aking blogroll, pasensya na. Sa aking mga kaibigan, hindi ako suplado sa YM, bukas lang yun pero wala ako sa harap ng aking monitor, magiwan na lang kayo ng mensahe at babalikan ko kayo.

Ilang beses ko nang sinabing babalik na ako, ngunit hindi ko maituloy. Parang wala na akong gana sa pagsusulat dahil sa ibang website na inaalagaan ko (work related), maghapon nang nakatutok sa kompyuter at maghapon nang nagpipipindot. Nakaririmarim talaga, pramis.

Ang dami ko nang hindi alam sa bumabalot sa blogosphere ngayon, ano na ba ang bago?

Ano ba ang mga natutunan/nalaman ko sa mga lumipas na araw at buwan?

  • Umuulan din pala ng yelo sa Dubai kahit papaano
  • Hindi pala ako nakakamura sa mga binibili kong pagkain pagkinonbert ko na sa Peso
  • Nadagdagan ako ng timbang matapos ang ramadan
  • Adik na ako sa chocolate at cream cheese (kaya ako nananaba)
  • Masarap balikan ang masasayang nakaraan at kalimutan ang mapapait na tagpo
  • May aral na napupulot sa bawat araw, hindi ko lang napapansin
  • Ang salop ng karanasan ay hindi pala napupuno
  • Ang mga kaibigan pala ay parang mga multo, hindi mo nakikita pero anjan lang (nanakot! hehe)
  • Ang epekto ng “Global Financial Crisis” ay nadarama sa bawat sulok ng mundo kaya tinawag na “Global”
  • Hindi basta-basta mababayaran ang utang na loob sa taong tumulong na may hinihintay na kapalit
  • Mas maganda ang “Totoo” kaysa “Marami” pag dating sa mga kaibigan
  • Maaaring maging kaibigan ang isang kaaway
  • Panalo si Pacquiao, pero palagay ko eh hindi mananalo ang lahat ng pinoy kung hindi sa bawat isa magsisimula ang pagbabago, wag nilang i-asa sa iisang tao
  • Sumakabilang buhay na daw si Marky Cielo na Starstruck. Hindi ako mahilig sa showbiz pero condolence sa mga naiwan niya
  • Mahirap mag 2 players sa Xbox360 pag isa lang ang kontroler
  • Ang illuminati ay totoo, at si David Icke (journalist, conspiracy theorist) pala ay namatay na
  • Ang 9/11 attack sa US ay planado ng US government
  • Hindi pwede sa tamad ang “photography”
  • Hindi na madali ang maghanap ng trabaho sa Dubai
  • Lampas isang libo na ang natatanggal sa trabaho dito sa Dubai at nadadagdagan pa
  • Nalilito ako kung totoo ba talaga ang “hollow earth” theory, plausible kasi eh, hehe
  • May mga bagay na hindi talaga maipaliwanag tulad ng “moving on”
  • May mga bumabalik buhay ko na hindi ko inaasahan. Salamat
  • Gusto ko nang umuwi ng pinas… seryoso!
  • Hindi lahat ng masarap ay “bawal”
  • Hindi lahat ng bawal ay “masama”
  • Masarap manahimik…

May utang pa akong tag kay Bro.Utoy, hayaan mo at gagawin ko iyan, pwede bang copy/paste ko na lang yung listahan mo? hahaha!