Home

[Sandalan] Ang mga taong maaasahan (OT)

10 Comments

Ang tao ay pinagtibay ng panahon, hinasa ng karanasan, at sinubok ng pagkakataon. Ang tao ay hindi likas na malakas, ang pagiging malakas o matatag ay isang kabalintunaan.

Minsan ang tao ay nabibigo, nasasaktan, umiiyak, nalulumbay… nagiging marupok.

Yan ang panahon kung kailan nasusubok ang tunay na mga kaibigan mo o mahal sa buhay. Kadalasan, ang taong may “dinadala” ay kailangan lang naman ng taong makikinig sa kanilang mga problema, hindi naman nila hinihiling na magpayo ka, hindi nila hinihiling na gawan mo ng paraan. Ang kailangan lang nila ay ang makinig sa kanilang mga hinaing. Hindi mo kailangang maging bayani, at hindi mo kailangang maging sulusyon sa kanyang mga problema.

Ang hirap ng mag isa. Minsan ay hinihiling ko na magkatawang tao na lang ang WordPress tutal halos alam na niya ang saya at lungkot na naranasan ko. Mas kilala pa ako ng blog ko kaysa sa ilan sa aking mga kaibigan. Alam kong mahal ako ng mga kaibigan ko, pero sa pagkakataong ito na malayo ako sa kanila, hindi ko sila masisisi kung bakit wala sila sa tabi ko kung kailangan ko ng kausap.

Kung magkakatawang tao si WordPress, siya na siguro si “Ernie” ng Sesame street. Loko-loko ngunit tapat at handang makinig gaya ng ginagawa niya sa kaibigan niyang si Bert, ngunit walang kaibigang perpekto. Noong isang araw lang ay nasayang ang pagkahabahabang post ko dahil ini-block ni wordpress sa kadahilanang “offensive” daw ang mga nakasulat dito. Mabilis naman naresolba ang kaso matapos ang dalawang e-mail sa support team. Nakakaburat lang na may magrereport pa ng blog ko eh bihira na nga akong makapagsulat at hindi naman siguro offensive na maglagay ako ng larawan ng lumang bisikleta, o mga Macro shots ko ng mga bulaklak sa hardin.

Parang isang theraphy na ang pagsusulat sakin. Hindi naman ako adik magblog, siguro dati… pero ngayon hindi na. Marami na rin akong nakasalamuha na iba’t-ibang tao sa aking pitak na ito ang iba ay naging tunay na kaibigan ko, ang iba naman ay naglahong parang bula matapos ang x-links. Wala namang problema sakin yun… Hindi ko kailangan ng maraming kaibigan… kailangan ko lang ng totoong kaibigan.

Anong sarap ng laging may karamay, kahit isang maliit na supot lang ng butong pakwan ang pagsaluhan ay langit na ang kwentuhan. Mga simpleng bagay na na-take-for-granted ko noong nasa Pinas pa ako. Mga bagay na ngayon ko lang napagtanto… mga bagay na hindi matatapatan ng salapi.

Malapit na akong mag-tatlong buwan sa Dubai. Sariwa pa ako dito hindi kagaya ng ibang Pinoy na 5-10 taon na dito nakatira. Pero kahit anong tanggi nila… Hindi ako naniniwala na hindi nila gustong umuwi ng Pilipinas.

Sa kasamaang palad ay magulo nanaman ang isip ko ngayon. Wala nanaman akong makausap, walang mapaglabasan ng sama ng loob, walang mapagkwentuhan ng hinanakit. Parang gusto ko na bigla umuwi ng Pilipinas… yakapin ang dalawa kong pamangkin, makasalo sa pagkain ang aking mga magulang, makausap ang aking mga kapatid. Tunay ngang kay lupit ng tadhana na kailangang sa ganitong paraan ko pa mapagtanto ang mga bagay na dapat ay pinahalagahan ko dati pa.

Sa bawat pag ikot ng kamay ng mga relo, sa bawat pagpilas ng lumipas na buwan sa kalendaryo, para akong pinaparusahan. Dahil alam kong matagal-tagal pa bago ko matikman ulit ang lutong bahay, malanghap ang sariwang hangin, maramdaman ang buhangin ng dagat at hindi ng disyerto.

isa… dalawa… tatlo… apat… lima… anim… pito…

Pitong buwan pa bago ako ulit makatungtong ng lupang sinilangan. Hindi na ako makapaghintay… wala na ring makakapigil. At sa pagkakataong ako’y magbalik sa lugar na aking kinalakhan, lulubusin ko na ang mga pagkakataon na makasama ang aking pamilya, mga kaibigan at ang aking kasintahan.

Tama nga ang sabi nila. Nakakabuang…

Minsan iniisip ko na lang na tao ang unan ko, dalawa kasi ang silbi niya… minsan ay sandalan… minsan ay punching bag. Pero kahit ganun… nandito lang siya palagi. Hindi nagrereklamo. Walang kakibo-kibo.

Pitong buwan pa… para akong pinapatay ng oras. Alam kong mabilis na lang yan… ngunit alam kong hindi lahat ng bagay ng maganda ay nakukuha ng mabilisan.

Handa na akong maghintay. Kahit sa kaunting paraan ay nalinawan ako habang tinatapos ang post kong ito. Kailangan ko ng kausap… ngunit mukhang mas kailangan ko ng pahinga. Pagod lang to, stress sa trabaho. Lilipas din… Sana.

Advertisements

[Update] Fiesta Despedida!

7 Comments

Kantahan, Duet, Despedida, Fiesta atbp. Coming up in a few hours!

[Edit: Eto na ang simula ng aking katapusan]

Ang post na ito ay noong nakaraang Mayo pa, Ngunit may bagong post Si Bluepanjeet tungkol sa aking pagkakalat sa pista ng patrong si San Fernando. Salamat Bluepanjeet sa Video, Dalawa lang ang senaryo na pwedeng mangyari…

Maubos ang readers ko dahil sa kahihiyan na aking ginawa at mawalan sila ng respeto sakin…

O Mawalan ka ng readers dahil sa bidyong iyong isinalpak diyan… HAHAHA!

Parang kailangan ko atang mag hiatus ng mga isang taon para makalimutan nila ang kanilang matutunghayan sa iyong pitak…

[BABALA: Ang susunod na palabas ay hango sa tunay na pangyayari, pangalan at kahihiyan]

ITO ANG BIDYO

ITO ANG BUONG POST NG MGA NANGYARI NOONG ARAW NA IYON

Pag balik ko next time, gagalingan ko na, hindi na ako iinom, nakakahiya naman kay Jemae! haha!

ETO ANG SAYO!!! Awit ng isang lasing na mixglorioso! WAAA!

[Balik Tanaw] Ang Pagbabalik

18 Comments

Eto Ang Sayo!

Eto Ang Sayo!

Una sa lahat, nais kong pasalamatan si ifoundme dahil sa pagbabahagi niya ng kwento sa aking pitak. Ang dahilan kung bakit si ifoundme ang napili kong “Contributor” sa aking pitak ay dahil sa siya lang ang taong nakilala ko na kaya akong talunin ng harapan at pagsabihan. Balanse siya. Totoong tao. At nais ko rin siyang pasalamatan dahil lagi siyang nandiyan para balansehin ang aking magulong utak. Para siyang guardian angel na nakasuot ng uniporme ng isang security guard sa banko. Alisto, alerto at laging palaban.

Pangalawa, nais ko rin humingi ng paumanhin kay ifoundme dahil inilabas ko ng sabay ang part 2 at part 3 ng kanyang isinulat. Dahil diyan, buong puso akong humihingi ng kapatawaran.

Ano nga ba ang dahilan kung bakit ako nagpahinga?

a. Depressed ako
b. Marami akong kaaway sa blogosphere
c. Wala na akong oras
d. Hindi na ako masaya
e. None of the above

Ang sagot diyan ay ang letrang “e” at kung paano nangyari yan… tunghayan.

Ibabalik ko kayo sa ika 19 ng Pebrero taong kasalukuyan. Ako ay nag-iisa sa basement at walang magawa. Hindi naman sa pagiging “geek” pero nasawa na ata ako kakabasa ng tungkol sa kung anu-ano sa Wikipedia. Lahat ay ginawa ko upang makalimutan ang lungkot na dulot ng paglisan ng isang babaeng bumihag sa aking pagkatao.

Marupok ako pagdating sa pagpapaalam, ngunit naiitago ko sa panlabas na kaanyuan ko ang lungkot na aking dinadala. Naaalala ko pa ang mga panahon na pinupuntahan ako ng aking kuya sa kwarto, para lang malaman kung nagbigti na ba ako o nagpakalulong na sa sigarilyo at pagpupuyat. Malaki ang naitulong ni kuya sakin. Kailangan ko ng karamay at siya ay nasa tabi ko upang samahan ako. Hindi siya masalita na tao ngunit ang kanyang presensya ay malaking bagay para sa akin.

Sinimulan ko ang pagsusulat sa araw na aking nabanggit sa itaas. Aksidente ko lang nakita ang WordPress. Ang plano ko talaga ay ituloy ang aking pagsusulat sa Friendster blog ko. Nagalak naman ang aking kuya nang kanyang malaman ang bagong outlet ko… ang pagsusulat.

Lingid sa kaalaman ng aking mga kapatid at magulang, mahilig talaga akong magsulat. Nagsimula sa maiikling tula noong Highschool, hanggang sa paglalapat ng liriko sa mga komposisyon ng aming banda. Ang pagsusulat ay isang regalo… na dapat ay maibahagi sa iba.

Lumipas ang mga araw at ako’y nahumaling sa pagsusulat, lahat ng bagay na ginagawa ko, natutuklasan ko, nakikita ko, nararanasan ko, natitikman ko, napupuntahan ko at kalokohan ko ay aking nagagawang isang maikling kwento. Na-enganyo ko rin magsulat sa wordpress ang ilan sa aking malalapit na kaibigan na sina Peach, Pure, Pol, at Marc.

Ang pagsusulat ang naging munting mundo ko upang matakasan ang totoong mundo. Ngunit hindi nagtagal, ang pagsusulat ay naging totoong mundo rin sakin at ang reyalidad ay halos kapantay lang nito.

Malaki ang naitulong na “theraphy” ng blog na ito sa akin. Marami akong nakilala at ang iba sa kanila ay naging kaibigan ko pa. Ngunit ang lahat ng ito ay may kapalit. Walang libre sa mundo, kung meron man ay bonus lang ito.

Bakit ako nagpahinga?

Nang magsimula na akong magtrabaho, nadala ko ang “blog” na ito sa trabaho ko… parang isang sakit na hindi gumagaling, isang multong nagpaparamdam, isang sugat na ayaw maghilom. Maya’t-maya ko sinisilip ang blog ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, ako naman ang nagsulat doon kaya alam ko na ang laman. Naaapektohan na ang trabaho ko. Masama na para sa aking career. Hindi na healthy. Sagabal na.

Hindi na “ako” ang blog na ito. Hindi ko na nararamdaman na may kontrol ako sa mga sinusulat ko. Mga bagay na minsan ay nakakasakit sa damdamin ng iba. Bumabalik ang tunay na mixglorioso na hindi kilala ng mga bumibisita sa blog na ito. Matalas ang dila. Walang puso.

Clean fun, outlet, hobby… Yan ang tingin ko sa pitak ko dati.

Ngayon. Hindi ko na alam… tsk tsk tsk…

Hindi ko alam kung ano ang pinairal ko sa mga huli kong post… Talas ba ng isip… o Talas ng aking pananalita.

Kaya humihingi ako ng paumanhin sa mga taong nasagasaan ko. Hindi ko ito sinasadya. Hindi ko hangad na makasakit ng damdamin ng iba. Hangad ko lang ay magsulat. Hindi ko alam kung may tinamaan ako. Kung meron man pasensya na.

Hindi rin ako depressed gaya ng iniisip ng iba, sa katunayan ay masaya ako sa buhay ko at trabaho. Hindi rin ako apektado sa mga lurkers, at sa mga nagkokomento ng walang link. Nirerespeto ko kayo, ang hiling ko lang ay irespeto niyo rin ang pitak ko at ang mga tagabasa nito. Wag naman nating gawing chatroom ang comments section. Wag din nating abusuhin ang paggamit ng space. Hindi ako madamot, hindi lang siya tama.

Puputok na ang utak ko sa dami ng gusto kong isulat, kung maibabalik ko lang ang kahapon, gusto ko sanang bumalik sa madilim na kwarto ko sa basement kung saan nakakahanap ako ng kapayapaan na hindi kayang bilihin ng pera, oras na hindi kayang agawin sakin, at panahon na parang hindi lumilipas.

Limang buwan na ang pitak kong ito. Salamat sa mga palaging bumibisita, sumusuporta at nagiiwan ng bakas sa aking pitak.

Nakakahiya mang sabihin ngunit naging alipin ako ng blogging. Nakakaadik… mahirap tanggalin sa sistema. Kumakati ang daliri pag hindi nakakapag sulat. Nagsusulat ng entry kahit sa panaginip.

Siguro nga ay nawala na ang totoong dahilan ng pagsusulat ko. Lumipas na ang panahon na parang kailan lang. Hindi ko rin inakala na may mga magiging kaibigan ako dito na mas totoo pa sa totoong kaibigan ko. Salamat sa inyo. Muntik nanaman akong tinopak upang burahin ang blog ko… pag nagkataon ay wala nang mababasa ang aking mga magiging apo…

May mga bagay ngayong araw na ito na nagpaalala sakin kung gaano kasimple ang magsulat sakin dati. Mga alaala kung saan ang bawat salita na namumutawi sa aking isipan ay nailalathala ko ng walang alinlangan. Ngunit may mga panahon din na naging alipin ako sa sarili kong kagustuhan.

Para kay Maloi ang Blog na ito. Kung hindi dahil sa kanya ay wala ito ngayon, at siya rin ang naging inspirasyon ko sa karamihan ng naisulat ko dito.

Lumipas ang panahon at nakalimutan ko na kung paano mag-libang sa pagsusulat. Nakalimutan ko ang dahilan kung bakit sinimulan ko ito. Nakalimutan ko na ang pagsusulat ay dapat sa puso galing…

Alas 2 y medya na ng madaling araw dito sa Dubai. Nais ko mang makipag-usap sa kahit na sino ay wala naman akong mahahagilap dahil ako lang ang gising. Kani-kanina lang ay lumindol sa Pilipinas. Sana naman ay ayos lang kayong lahat diyan.

Hindi ko alam kung may babalikan pa ako… matapos akong mawala nang parang bula.

Nagbabalik na ako…

Salamat din kay mai-mai at pupot 🙂 avid readers at tested friends 🙂

At sa nag-iisang master Hokage na “pogi” haha!

[Eto Ang Sayo! Signing On!]

Apir? anong apir?

Taken 2 years ago with my Motorola flinstones mobile phone.

Taken 2 years ago with my Motorola flinstones mobile phone.

YAKAP!!!

[Pahabol: Salamat sa mga bumoto kay Ann Cusi! Balatuhan ninyo ako pag nanalo kayo ng 10,000 ok? para naman makabili na ako ng sarili kong domain, haha! taong grasa ako sa Dubai pasensya na. LOL!]

[contributor:ifoundme] KABIT part 3

10 Comments

ito ang part 1 at part 2…

isa lang ang nasa isip ko nun at yun ay LINTIK NGA LANG ANG WALANG GANTI. pero habang iniisip ko yan, nasasaktan naman ako. the more i think about it, the more that i get insecure and bitter about life. hindi naman ako ganyan dati eh. sobrang napakalover of life ako, masayahin, mahilig makipagkaibigan, parating naglolook forward sa future…. nilalason ako ng sarili kong pagseselos at kainsecureran kaya naisipan kong itatak ito sa mundo ng blogging para matigil na tong kalokohan na to. gusto ko rin kasi ipaintindi sa mga nang aagaw ng boypren/gerlpren, asawa, kayaman, katarungan na sa ginagawa nila, marami silang nasasaktan.

alam kong gusto niyo rin minamahal kayo at binibigyan ng importansya pero ito lang ang intindihin ninyo… isang bagay na dapat marealize ninyo kasi NO MATTER WHAT YOU DO, IN THE EYES OF THE PEOPLE AND IN THE EYES OF GOD, ISANG PAGKAKAMALI YAN. kahit anong gawin ninyo, hindi kayo rerespetuhin ng ibang tao kasi mali ang kinalalagyan ninyo. kahit baliktarin pa ang mundo, you are not in your proper standing, therefore, you will never ever gain the respect the way it is given to those who are in their right places. gawin na lang natin na basis si camilla parker-bowles na asawa ni prince charles ng united kingdom. ano ba ang tingin sa kanya kumpara kay princess diana? may mga lumalabas na balita na bratty din minsan si princess diana pero na oovershadow yun ng isang fact: that she was the rightful princess and future queen. sya ang nasa lugar eh. may nakita ba kayong mga pictures na hinihimatay si princess diana? si camilla, nahulog dun sa upuan niya minsan sa isang event, pinalabas sa tv at pinagtawanan ng buong mundo. kung sya sana ang nasa tamang lugar lang, yung sympathy ng tao mapupunta sa kanya. pero hindi. ganun din yun sa inyo.

hindi ba kayo naaawa sa sarili ninyo? konting respeto sa sarili. yan na lang. bigyan naman ng kahalagahan ng sarili. ginawa tayo ng Diyos na may kasamang sobrang pagmamahal. kaya ninyong itapon yan at makipaglaro na lang sa apoy ni satanas?

i think nasabi ko na lahat. nilet go ko na si cathy at ipagpepray ko na sana makahanap na sya ng taong magmamahal sa kanya ng husto at ipaglalaban sya para hindi na sya makakasakit ng ibang tao. hindi naman siguro ako ganun ka mapride para hindi ko palipasin ang mga ginawa nya. nagpakaselfish lang sya kasi takot sya na wala syang boypren, na wala syang makasama habang buhay, na baka hindi sya magkaanak…. ganun lang yun. pero kahit ganun lang yun grabe naman ang epekto sakin pero hindi naman siya siguro ganun kasama.. siguro lang… hindi ko alam at wala na rin naman akong balak alamin. bahala na ang Diyos sa kanya at sa mga kagaya nya. ang importante ay simula ngayon, hindi ko na iisipin to. babasahin ko na lang dito sa blog ni mix.

alam kong gusto ni mix hindi puro reklamo ang gagawin ko dito sa blog niya at dapat may aral kaya ito ang sinulat ko kahit sobraaaaaaaaannnngggg haba. pagpasensya niyo na ang pag-emote ko dito. gusto ko lang iset free ang sarili ko, na mashare ko sa iba na walang kwenta ang mga ganitong sitwasyon pero taon ang epekto, na mali sa kahit anong anggulo ang maging kabit, mang-aagaw at manloloko.

salamat mix.

[contributor: ifoundme] KABIT part 2

7 Comments

yung part 1 dito mababasa. pindutin mo lang at baka mawala kadito.

yun… nahuli nga. never kong kinausap si cathy pero kinausap ko syempre ang boypren ko tungkol sa ginagawa nila. sobrang detalyado ng mga impormasyon na binigay ko sa kanya kaya kahit magdeny pa sya, na ginawa nya naman nung umpisa, hindi mawawala yung point ng lahat na yun kasi maraming tao ang kasali sa kada sitwasyon na binanggit ko. kaya ko syang hamunin isa-isahin ang mga taong damay dun kaya nung huli umamin na rin.

after mag-iyakan at paghingi ng kapatawaran sa isa’t isa, nagdesisyon pa rin akong makipaghiwalay. masakit pala. masakit na masakit. parang halos dinurog puso’t isipan ko na dinuraan pa. isang taon kong dinala yun at halos araw araw tinatanong ko ang Diyos kung bakit ako nasa ganun na sitwasyon. pagod na pagod ako at halos wala ng ganang ipagpatuloy pa ang mga plano ko sa buhay. parang wala na akong purpose. ganun ang feeling.

ano ang rason ni boypren nun kung bakit nya ginawa? kasi wala raw ako nung kelangan nya ako. por diyos por santo! hindi man lang inisip ang mga panahon na andun ako at yung mga panahon na wala si cathy!!! isa pang timang!

anyway, nagkabalikan nga kami ni boypren pagkatapos ng isang tao pero hindi pa rin mawala sa utak ko yang cathy na yan. sa sobrang inis ko minsan, nagstoop down ako at pinatay ko ang prinsipyo ko. alam ko kasi lahat ng info kay cathy.. celphone, ym id, friendster, email, address, workplace at marami pang iba… nagforward ako ng message na nagsasabi na kung binabato ka at sinasaktan ka na wala ka naman ginagawa sa taong yun, hwag kang bumato ng tinapay. batuhin mo ng semento. lintik lang ang walang ganti. tinanong nya kung sino ako. hindi ako sumagot. sumunod na araw tinext ko na rin ulit ng kaparehong message na sinend ko nung nakaraang araw. nung nagtanong sya ulit, sinagot ko na kung sino ako. sabi ko THIS IS IFOUNDME. o di ba? mga isang oras bago sya nakapagtext back. ang sagot THANKS FOR THE MESSAGES, IFOUNDME na may kasamang smiley. tawa ako ng tawa nun. hindi ko sinabi yun sa boypren ko pero shinare ko naman sa mga friends ko. oo, hindi naman ako santa para di manlait ng iba. hindi lang tumigil ang lahat na yan dyan. narinig ko kasi minsan na sinabi ng pinsan ni cathy na ayaw nyang malaman kung kelan aalis ang boypren ko palabas ng pinas. alam kong bratty na ang ginawa ko pero masakit pa rin eh. tinext ko si cathy. sabi ko ganung date aalis si boypren. sagot sakin THANKS FOR INFORMING ME pero tinadtad naman nya ng text at tawag si boypren. lumabas ang pagkademonyita ko at binigyan ng ultimatum si boypren. sagutin nya sa harapan ko ang tawag kasi kung hindi… walkout beauty ko at talagang walkout ako. di sinagot ang tawag eh. hahahaha! marunong naman ako umuwi. hmp! alam niyo kung kelan nya sinagot ang tawag ni cathy? nung boarding na sya sa eroplano. inamin nya 2 weeks after pa. syempre matinding away na naman. at nung umuwi sya dito, hindi nya nabura yung text niya kay cathy bago nya sinara ang phone nya at lumipad. nabasa ko at ang nakalagay dun INTINDIHIN NA LANG DAW AKO KASI MAS MALAWAK NAMAN DAW ANG ISIP NI CATHY. lintik! after all those things that they did, ako pa ang makitid ang utak? hindi ako ganito dati… yung magpakabratty bratty pero sila rin ang gumising ng katarayan at katapangan kong ito. alam kong mataray na ako dati pa pero to the highest level na talaga ako ngayon. isa lang talaga ang nasa isip ko nun….

may part 3 pa… pasensya na….

[contributor: ifoundme] kabit part 1

12 Comments

wala lang. gusto ko lang magmonologue tungkol sa mga kabit. hindi ko alam kung bakit yan kaagad ang naisipan ko pagkaharap ko ng computer. kasi naman ang aking future monster in law nag online. bigla kong naalala si cathy. sino si cathy? sya ang isa sa mga salot ng lipunan. hehehe! joke! naghahanap lang siguro sya ng magmamahal sa kanya at takot na baka tumandang dalaga.

ang hirap magsalita tungkol sa mga ganito kasi alam kong may tatamaan na mga tao. kung ikaw man yun, hindi ko sinasadya na saktan ka sa entry na to. gusto ko lang kasi ilabas din ang matagal ko ng tinatagong emosyon at pananaw tungkol dyan. panahon na rin na pakawalan ko na si cathy kasi kahit tinotorture ko sya sa utak ko, ako lang naman ang nakakafeel ng torture na yun. parang nilason ko lang ang sarili ko kahit na sya ang gusto kong lasunin.

so sino si cathy? sya ang kabit, the other woman, salot sa relationship namin. hindi pa ako kasal pero minsan, sa halos sampung taon namin na magkarelasyon ni boypren, eh nagawa ni bi-ep lumiko sa kaliwa. nagawa nyang dagdagan ako sa buhay nya. anyway, si cathy ay kilalang kilala sa kanila na nang-aagaw daw ng boypren ng may boypren. mahilig sumuot ng mga seksi na damit, malakas magmake up, mahilig magpatweetums, mahilig din saktan ang mga nagiging boypren. hindi nya kayang gumalaw ng walang kasama o walang nadadamay na tao. kung makapalit ng boypren eh parang nagpapalit ng damit. sa lahat ng mga kaibigan ni boypren, surprisingly, sya lang ang hindi naharap sakin. hindi ko rin maintindihan kung bakit. at tsaka pala, lahat ng sinabi ko sa taas puro report lang sakin.

syempre nung una awang awa ako sa sarili ko. naisipan kong okay lang na ganun pero hindi rin pala kaya ng sikmura ko. nagdesisyon akong alisin na lang ang sarili ko sa magulong daigdig ng kaengotan nila.

alam na alam ni cathy na girlpren ako ng dati nyang crush nung high school pa sila. malayo kami sa isa’t isa ni boypren kaya nung nagkasakit si boypren, nagtake advantage si cathy sa sobrang kahinaan ni boypren. yes, mahina ang mga lalake. hwag ng umangal. simula nun parati na silang magkasama. nagfall na si cathy sa kanya to the point na nagtatawagan silang babe. nakita ko yung text eh. yung nakatagong sim nahanap ko. parati nyang pinupuntahan si boypren sa condo ni boypren, dinadalhan ng pagkain, binilhan ng lecheng bag sa surplus, sinasamahan magdinner bago pumasok sa work si boypren. nagawa pa nga syang bilhan ni boypren ng mga damit sa MANGO samantalang ako dati masayang masaya na pagnagshoshopping kami sa divisioria. all those times, aware na aware si cathy na kami pa ni boypren. naisipan pa nga nyang kausapin daw ako kasi naman napakaimposibleng ispelingin tong boypren ko. itatanong lang daw nya sakin kung pano ihandle si boypren. kung di ba naman timang yang babaeng yan…. hindi na nagkaron ng respeto sa sarili…

pano ko sila nahuli kahit malayong malayo ako? naghire ako ng private investigator, NBI, CIA, FBI, AFP,RAM, NPA, CPP, ABB,MILF, abu sayyaf… kulang na lang isama ko ang al queda para kompleto sila at ng makita ko lahat ng anggulo ng sitwasyon! di ba sabi nila sisingaw talaga ang bahong tinatago? ganun ang nangyari. nakaupo lang ako dito sa mumunting table ko sa opisina nang yung balita mismo ang lumapit sakin. hindi ko hiningi. kusang binigay. kung paano, isasarili ko na lang kasi baka mabuko ang paraan.

itutuloy ko bukas… kakain muna ako kasi hindi pa ako nag aalmusal….

[Like A Bomb] Baka bukas… Baka ngayon.

3 Comments

Pinag-iisipan pa ba yan?

Pinag-iisipan pa ba yan?

Ako’y malapit nang magbalik! 🙂 Salamat sa inyong pagbisita!

Ang sagot ko sa larawan sa itaas…

TO BLOG! yahoo!!!

[Update: I erased some of the links in my blogroll, if you think I erased your link by mistake, please give me a buzz.]

%d bloggers like this: