meron akong na realize nung libing ng tito ko: tuwing KBL (kasal, binyag, lamay o libing) na lang nagtitipon ang buong angkan namin sa side ng lola ko sa tatay. minsan nga sa binyag hindi pa masyadong present ang lahat pero sa lamay at libing, talagang obligadong lumakbay at pumunta para lang magbigay simpatya at suporta dun sa namatayan.

napakalaki ng angkan namin. pagsinabi mo yung apelyedo ng lola namin nung dalaga pa sya, siguradong sigurado na ituturo ka sa isang town kung saan sila nakatira dati. para bang town=apelyedo. gusto ko na nga magsuggest na sana palitan na lang ng pangalan yung town ng apelyedo nila. pareho na rin naman kasi ang tinutukoy.

anyway, nung linggo nga libing ng pinsan ng tatay ko at dahil sobrang close samin, hindi ko mapigilan umiyak habang nagbibigay ng eulogy ang pinsan ko. kinukwento nya kasi yung mga habits ng tatay nya at kung pano nya pinapakita yung pagmamahal nya sa mga anak nya at kung pano nya inalagaan ang kanyang asawa. pwede na kasi ipalabas sa MMK ang kwento nila.

flashback muna tayo. napadpad dati ang aking tiyuhin sa butuan nung binata pa sya. dun nya nakilala itong future wife nya na anak ng isang sobrang yaman at kilalang personalidad dun. hanggang ngayon sikat pa rin. dahil mestizo nga itong tiyuhin ko with matching sense of humor at sobrang makulit, nainlab naman itong tita namin. yun nga lang hindi naman mayaman si tito kaya parang pinapili ‘tong tita namin ng kanyang ama. pamilya o si tito… aba, ang lakas ng loob at pinili talaga itong tito namin. hindi ba naman nag-isip kung kaya ba syang pakainin nitong tito namin. pinanindigan naman nya kasi nakabuo nga sila ng apat na anak at proud din naman kaming sabihin na puro successful naman ang mga pinsan namin kahit papano. sa pagkakaalam namin, hindi pa ever bumabalik ng butuan itong si tita. siguro talagang sinarado nya ang utak nya na ang angkan namin ay magiging pamilya nya na at yun na yun.

going back, nung natapos na magbigay ng eulogy ang aking pinsan at nagbigay na ng last respect ang ibang tao, may hinatid na lalake ang ama ko dun sa gitna. malisyoso ang utak ko habang ang lakas naman ng iyak ko. naisip ko na baka anak sa labas ng tito ko pero hindi rin… medyo may edad na rin eh. tiningnan ko lang ama ko at naintindihan nya naman siguro ang aking questioning face meron bang ganung description? kasi sinabihan ako kaagad na kapatid daw ng tita. nagmistulang fountain of tears ang aking mata kasi alam ko kung gaano ka big deal yan. kahit papano, masaya ako para sa tita ko kasi mahal pa rin pala sya ng mga kapatid nya. yun nga lang isa lang ang pumunta.

may kainan after ng libing at dun ko nakilala ang ibang mga pinsan ko na mga taga iloilo. ako kasi ang isa sa mga pinakabatang pinsan kaya parati akong naguguluhan kapag nagkukwentuhan ang lahat. in fairness, sabi nila cute daw ako dati at nilalaro raw nila ako. nakayanan pang magpanggap na nagtatampo kasi hindi ko sila maalala. sabi ko nga maalala ko na sila ngayon kasi yung isa sikat na dermatologist, yung isa maraming negosyo at isa dun sa negosyo nya ay botique at yung isa sa PAL nagtatrabaho. syempre girl ako. alam niyo na ibig kong sabihin. marami pang iba pero hindi ko na babanggitin.

anyway, nagkakilanlan na nga ulit at nagyaya ng reunion kasi nga pangit nga naman na magkaron pa muna ng patay bago kami magdecide na magtipon tipon. dun ko lang narealize kung gaano kalakas yung bond namin lahat kahit matagal ng hindi nagkikita. dun ko rin narealize na kahit sobrang suplado ng tatay ko, idol pa rin sya ng mga pinsan kong lalake. pero ibang kwento na yan. ang haba na nito at hindi ko pa naman blog to.

moral of the story? family is still family kahit anong mangyari. nakita ko kung pano iniwan ng lahat ang araw araw na routine para lang bigyan ng quality na respeto ang tito namin. na appreciate ko rin yung pagsipot ng kapatid ng tita. kahit isa lang ang sumipot, at least may representative. na appreciate ko ang pagkatatag ng tita ko. alam kong hindi ko kayang gawin ang ginawa nya. hindi sya nanghinayang ever. na appreciate ko ang pagkatao ng tito ko at lalong na appreciate ko yung paano nya na view ang buhay. he seized every moment of his life that’s why he had a happy life.

ikaw ba? tingin mo you are living a worthy life?