Nakakasawa na ang linya ko na “noong Pebrero ng kasalukuyang taon ko sinimulan ang blog na ito…”

Wala na akong maisip na mas babagay pang linya sa post kong ito kundi…

Pebrero ng kasalukuyang taon ko sinimulan ang blog na ito. Marami na akong nakilala, marami nang nakapalitan ng comment, maraming sumulpot, at biglang nawala. Ngunit sa napakaraming tao, hayop, bagay, zombie, alien, bata, matanda, mabait, pilyo, bastos, babae, lalaki, bakla, tomboy, rakista, hiphop, mafia, dayuhan, kabit, ulila, chicks, hunks (hunks ampf!)… konti lang ang maituturing kong tunay na kaibigan sa mundo ng cyberspace.

Mga kaibigan na sa mundo ng blogging ko lang nakilala at hindi ko pa nakikita ng personal. Ang tanging paraan ng kumunikasyon ay ang YM at ang aking munting pitak.

Kilala ninyo kung sino kayo, at gusto ko lang munang magpasalamat sa inyo bago ako tuluyan nang mamahinga. Salamat ng marami.

Last day ko bukas sa trabaho, sa weekend ay wala pa akong plano. Madali na para sa akin ang trabaho sa pagpopost ng press releases sa http://www.arabianbusiness.com, sa isang shift ay nakakapaglagay na ako ng hindi bababa sa 60. Isa itong dream job para sa isang blogista, yan ay kung mabilis ang iyong mga daliri at handa kang sumakit ang ulo.

Simula pa lang yan ng mahabang listahan ng mga ginagawa ko sa opisina. Sa ngayon, nag-aaral naman akong magpost ng mga arabic na talaga namang parang mga bulati kaya ang hirap i-post sa arabic website ng http://www.arabianbusiness.com.

Isang madayang website sapagkat pina-plug ko pa sila sa blog ko ng wala man lang kahit kaunting pampalubag loob, kundi ang unlimited na Pepsi, Coke, 7up, Diet Pepsi & Coke, gatas, tea, Costa coffee, mineral water, at libreng gamit ng microwave na palagay ko naman ay dapat lang meron sa isang workplace.

Hmmm… may sumabog na kwento sa aming opisina lately, at dahil miyembro kami ng Press ay nawindang kami… Kung ano yan? yan ang susunod kong ikekwento…

Sinong mahilig sa sex scandal? taas ang kamay! Yan ang teaser… LOL!