Magsusulat sana ako ngayon, ngunit naisip ko na natambakan na pala ako ng comments na hindi ko nasasagot, para sa inyo na nagcomment sa mga past posts ko, sinagot ko na po ang inyong komento.

Magsusulat pa sana ako ngunit ang mata ko ay naka “auto-mode” na sa pagpikit at ready nang matulog.

Salamat sa mga bumibisita, at para sa ibang nagkokomento sa aking blog na hindi ko kilala at hindi nagiiwan ng link, maganda man o mabuti ay baka hindi ninyo makita sa pitak kong ito ang inyong komento. Ito ay bilang respeto sa ibang mambabasa na nagtatiyagang mag type ng kanilang username, e-mail, at URL.

Nakalista ang pangalan ng mga nagiwan ng komento sa mga nakaraan kong post matapos ang ika-100 post ko, bakit? kasi may niluluto akong pakulo. Hintay lang… hehe!