Ngayong araw ng ito…

3 Red Bull

3 Vanilla cupcake

3 Tubig

3 Cookies

Yan ang mga kinain ko sa opisina habang nagpopost ng mainit na press release ng ibat-ibang kumpanya dito sa gitnang silangan. Lahat tatlo, Ibig sabihin kaya niyan ay “I LOVE YOU?”

Ang tanghalian ko ay “chicken wings”. Kaya siguro kanina pa lumilipad ang diwa ko kakaisip sayo.

Ang yosi, hindi ko ata kayang mabuhay ng hindi nakakapagyosi (ironic kasi nakamamatay ang yosi). Pero mas lalong hindi ko kayang mawala ka.

Weird ang araw kong ito, ngayon ang araw na nakarami ako ng post sa loob ng isang araw sa aking trabaho, pero ngayon din ang araw na hindi ako nakaramdam ng pagod sa aking katawan.

Walang dahilan para malungkot ako, walang dahilan para maramdaman ko na ako’y nag-iisa.

I’ve been to hell and back, I’ve experienced worst that could happen, I survived all the time… Smiling…

Kumpara sa ibang tao… Ambon lang ang nararanasan ko ngayon. Wala pa to. Sa kabilang dako ng paraiso, may ligaya. May saya. Ngunit kailangan ng konting sakripisyo (time) para makamit ang minimithing kaligayahan…

____________

May isang awitin na si kumpareng emoboyblue ang nag-introduce sa akin, ang soundtrack ng oscar winning movie na “Once” share ko lang sa inyo. Hindi ito ang mga tipo ng kanta ko, lumaki ako sa rock and roll at metal at hindi sa mga ganyan. Pero maganda ang awit na ito.

Eto na lang muna ang masasabi ko…

“I don’t know you, but I want you…” bwahahaha!