Nobyembre ng nakaraang taon, busy ako sa trabaho ko sa Call center at talagang ang matulog lang ang aking pahinga. Pagkagising sa madaling araw, labanan nanaman. Wala nang time para mag-ahit ng bigote.

Sa kasamaang palad, nag enjoy ako ng may bigote, maraming natatawa sa akin dahil mukha akong goons.

Matagal na akong may goatee, nawala lang ang goatee ko noong ako ay nag OJT noong college, bukod kasi sa goatee ko, wala na akong maipagmamalaki. hehehe.

Ilang taon ko na rin kinakalbo ang sarili ko, hindi ako panot, sa totoo lang eh makapal ang buhok ko. Pero dahil adik ako sa gel dati, parang naging sensitive ang aking scalp (pang mayaman kasi ang scalp ko, hehe!) at hindi ako pwedeng mainitan dahil mamumula ang anit ko. Mas ok na ang kalbo… Presko.

Ang bigote ko naman ay sadyang nakakaaliw, masasrap himasin ang bigote at balbas lalo na kung may kausap ka at ang topic niyo ay mahirap isipin, nagmumukha kasi akong “matalino” pag hinihimas ko ang aking balbas at bigote kahit na minsan eh hindi ko naman iniisip ang sinasabi ng kausap ko dahil wala naman akong pakialam sa sinasabi niya. Pakitang tao lang… or masabi lang na talagang malalim akong magisip.

Malaking hadlang ang bigote lalo na pag kumakain sa labas, mas mabuti pang mag straw dahil pag tinungga mo ang baso ng kape o softdrinks eh tiyak na sasabit sa bigote mo ang katas ng iyong inumin. Hindi ko alam sa iba pero sa akin eh nangyayari yan.

Ang bigote daw ay istatus symbol ng mga lalaki… yan ay kung kasing edad mo na sina Paquito Diaz, Romy Diaz at si da Boy (sumalangit nawa)

Hindi ako diyan naniniwala. Tapos!

At dahil ako ay tuliro at hindi ko naman pwede kalbuhin ang sarili ko, dahil ako ay depressed (unsure) or malungkot ay napagdiskitahan ko ang aking bigote.

Inahit ko na siya…

Mr. Suave was a thing of the past. Hahayaan ko na lang na ang mga Pana ang may bigote dito sa Dubai. hehehe!