kakagaling ko lang sa labas para magyosi, suot ko pa ang shorts ko na pangtulog na medyo maluwag. Umupo ako sa hagdanan sapagkat yun lang ang lugar na hindi masyadong nasisikatan ng araw…

Habang may “ka-text” ako (bobo ako eh, mas mura tumawag dito sa UAE kaysa mag text) at busy sa paghithit ng masustansyang usok. Hindi ko napansin ang bubuyog na umaaligid sa akin. Kakaiba ang bubuyog na ito, iba ang hitsura at palagay ko ay hindi nakaka intindi ng tagalog pag sinabi kong “shooo! shooo!” hindi ko na lang siya pinansin at binigyan ko na lang ng “silent treatment”

Ang tao pag hindi mo pinapansin, nakakahalata at nagkukusa nang lumayo. Ang mga bubuyog hindi…

Pinasok niya ang shorts ko sa pag-aakalang may matamis na pulot-pukyutang naghihintay sa kanya.

agad akong tumayo para lumundag na parang tanga. Nakatingin sa akin ang ibang lahi. sheesh! ang aga-aga eh napahiya nanaman ako. grrr!

WAAAA! pero buti hindi niya ako tinusok dahil ayaw kong may mamaga sa loob ng aking shorts.

Ampf! lesson for the day, wag magsusuot ng shorts na maluwag pag may bubuyog sa paligid at ang bubuyog sa ibang bansa ay hindi nakakaintindi ng tagalog version ng “shoo!”