Kanina lang, napahiya ako sa opisina. Nagblush ako na parang isang bata na niloloko ng “uuuuyyyyy dumaan ang crush mo oh! uuuyyyy” nakakahiya talaga….

Nagpopost ako ng bagong press release ng mga companies sa arabian business website, natural nakakainip kaya naman isinalpak ko na sa tenga ko ang “Easy listening” na playlist ko. Sa una ok, nakakrelax, hindi ko nararamdaman yung pressure ng trabaho ko. Unti-unting dinadapuan ako ng antok, nasobrahan sa “malumanay” na musika. Kinuha ko at ininom ang redbull na pinagyelo ko pa sa freezer ng magdamag para baunin sa opisina. Hmmm… epektib… solb…

Bumilis akong magtrabaho at nawala ang antok ko, ngunit ang tugtog sa aking PSP ay “easy listening” pa rin. Hindi ko namalayan na malakas na pala akong kumanta ng “Open Arms” ng bandang journey, nakatingin na pala sakin ang mga kaopisina kong briton.

Anak ng tupa… nakakahiya.

Namula ako…

Hindi ko alam kung lalabas ako para magyosi at matakasan ang kahihiyan…

o magdadala na lang ng wig sa pagpasok ko next time para hindi nila ako maalala.

Sa opisinang hindi masyadong maingay, nangibabaw ang boses ko.

“Sikat” ako… sa maling paraan ampf!

Next time reggaeton na lang or heavy metal papakinggan ko para hindi ko masabayan!

Ang aral na napulot ko? wag kang iinom ng redbull lalo na kung nageemote ka sa mga kantang pinakikinggan mo dahil madadala ka at mapapakanta…

Boo!