Home

[contributor:ifoundme] kras

3 Comments



grabe! ang hirap mag-isip ng isusulat ko dito. parang bumalik ako sa grade school at high school na pinipilit magkalaman ang utak para man lang may ilagay sa sulating pangwakas habang nagbabantay at baka mahuli ni mam na wala pa akong sinusulat. ano ba iniisip ko?

umiiwas sana ako magsulat nito kasi wala akong karapatan pero sino crush ninyo? grabe! ang lalim! meron lang ako siguro LAST CONVERSATION SYNDROME kaya yan pa rin ang nasa isip ko.

nagkausap kami ng isang friend ko at medyo naungkat nga yung CRUSH CRUSH chuchuchuchu na yan. syempre natuwa naman ako kasi kelan ba ako last nakilig??? college pa yun ah at si Jason Webb pa crush ko nun pero pinalitan ko kay Rico Yan kasi mas cute naman si Rico no. marami pang mas cute sa kanila dun sa university na pinasukan ko dati kaya busog na busog ang aking mata sa kakaappreciate ng opposite sex. lalo na nung high school…. pinaulanan ata talaga ng mga cute itong city namin. sa school pa lang namin makikita mo sila kahit saan. pero meron akong isang crush na hanggang ngayon crush ko pa rin sya….yan yan! pinapahamak ko na naman ang sarili ko. itsismis ba naman ang sarili. tama na nga, ifoundme!

ewan ko kung bakit kinukwento ko ito sa inyo. siguro natuwa lang ako sa kwentuhan namin kagabi. nakakamiss din kasi ang makilig. ikaw? sino ba crush mo? aminin!!! don’t worry, iba ang crush sa na iinlab. ibang level na ang naiinlab kaya okay lang magkacrush kahit MATANDA KA NA!

honga pala, ang ayaw umamin na may crush sila, PANGIT!

Advertisements

[Contributor:ifoundme] KBL with a capital L

1 Comment



meron akong na realize nung libing ng tito ko: tuwing KBL (kasal, binyag, lamay o libing) na lang nagtitipon ang buong angkan namin sa side ng lola ko sa tatay. minsan nga sa binyag hindi pa masyadong present ang lahat pero sa lamay at libing, talagang obligadong lumakbay at pumunta para lang magbigay simpatya at suporta dun sa namatayan.

napakalaki ng angkan namin. pagsinabi mo yung apelyedo ng lola namin nung dalaga pa sya, siguradong sigurado na ituturo ka sa isang town kung saan sila nakatira dati. para bang town=apelyedo. gusto ko na nga magsuggest na sana palitan na lang ng pangalan yung town ng apelyedo nila. pareho na rin naman kasi ang tinutukoy.

anyway, nung linggo nga libing ng pinsan ng tatay ko at dahil sobrang close samin, hindi ko mapigilan umiyak habang nagbibigay ng eulogy ang pinsan ko. kinukwento nya kasi yung mga habits ng tatay nya at kung pano nya pinapakita yung pagmamahal nya sa mga anak nya at kung pano nya inalagaan ang kanyang asawa. pwede na kasi ipalabas sa MMK ang kwento nila.

flashback muna tayo. napadpad dati ang aking tiyuhin sa butuan nung binata pa sya. dun nya nakilala itong future wife nya na anak ng isang sobrang yaman at kilalang personalidad dun. hanggang ngayon sikat pa rin. dahil mestizo nga itong tiyuhin ko with matching sense of humor at sobrang makulit, nainlab naman itong tita namin. yun nga lang hindi naman mayaman si tito kaya parang pinapili ‘tong tita namin ng kanyang ama. pamilya o si tito… aba, ang lakas ng loob at pinili talaga itong tito namin. hindi ba naman nag-isip kung kaya ba syang pakainin nitong tito namin. pinanindigan naman nya kasi nakabuo nga sila ng apat na anak at proud din naman kaming sabihin na puro successful naman ang mga pinsan namin kahit papano. sa pagkakaalam namin, hindi pa ever bumabalik ng butuan itong si tita. siguro talagang sinarado nya ang utak nya na ang angkan namin ay magiging pamilya nya na at yun na yun.

going back, nung natapos na magbigay ng eulogy ang aking pinsan at nagbigay na ng last respect ang ibang tao, may hinatid na lalake ang ama ko dun sa gitna. malisyoso ang utak ko habang ang lakas naman ng iyak ko. naisip ko na baka anak sa labas ng tito ko pero hindi rin… medyo may edad na rin eh. tiningnan ko lang ama ko at naintindihan nya naman siguro ang aking questioning face meron bang ganung description? kasi sinabihan ako kaagad na kapatid daw ng tita. nagmistulang fountain of tears ang aking mata kasi alam ko kung gaano ka big deal yan. kahit papano, masaya ako para sa tita ko kasi mahal pa rin pala sya ng mga kapatid nya. yun nga lang isa lang ang pumunta.

may kainan after ng libing at dun ko nakilala ang ibang mga pinsan ko na mga taga iloilo. ako kasi ang isa sa mga pinakabatang pinsan kaya parati akong naguguluhan kapag nagkukwentuhan ang lahat. in fairness, sabi nila cute daw ako dati at nilalaro raw nila ako. nakayanan pang magpanggap na nagtatampo kasi hindi ko sila maalala. sabi ko nga maalala ko na sila ngayon kasi yung isa sikat na dermatologist, yung isa maraming negosyo at isa dun sa negosyo nya ay botique at yung isa sa PAL nagtatrabaho. syempre girl ako. alam niyo na ibig kong sabihin. marami pang iba pero hindi ko na babanggitin.

anyway, nagkakilanlan na nga ulit at nagyaya ng reunion kasi nga pangit nga naman na magkaron pa muna ng patay bago kami magdecide na magtipon tipon. dun ko lang narealize kung gaano kalakas yung bond namin lahat kahit matagal ng hindi nagkikita. dun ko rin narealize na kahit sobrang suplado ng tatay ko, idol pa rin sya ng mga pinsan kong lalake. pero ibang kwento na yan. ang haba na nito at hindi ko pa naman blog to.

moral of the story? family is still family kahit anong mangyari. nakita ko kung pano iniwan ng lahat ang araw araw na routine para lang bigyan ng quality na respeto ang tito namin. na appreciate ko rin yung pagsipot ng kapatid ng tita. kahit isa lang ang sumipot, at least may representative. na appreciate ko ang pagkatatag ng tita ko. alam kong hindi ko kayang gawin ang ginawa nya. hindi sya nanghinayang ever. na appreciate ko ang pagkatao ng tito ko at lalong na appreciate ko yung paano nya na view ang buhay. he seized every moment of his life that’s why he had a happy life.

ikaw ba? tingin mo you are living a worthy life?

[Contributor:ifoundme] welkam meeee!!!!

6 Comments



sabi kasi sakin kelangan tagalog ako magsulat dito kaya yan… welkam me!!! hehehe!

limang minuto ko ako nakatitig sa title na yan kasi hindi ko alam kung paano sisimulan ito. siguro sobrang namiss lang ako ni mix kaya binigyan nya ako ng malaking space sa kanyang blog at maging contributor daw. nagulat naman ako at natuwa na may kasamang kaba kasi feeling ko malaking responsibilidad ito. bigyan ka ba naman ng ganun kalaking tiwala, hindi ka kakabahan? sa mansyon ko kasi para akong machine gun na walang kapigil pigil magratatatat dun. eh dito? baka ako ang tarayan ni mix.. hehehe! hwag naman sana.

ano ang maeexpect ninyo dito sa pagiging contributor ko sa blog ni mix? hmmm… hindi ko pa masasagot ngayon yan. baka siguro pang araw araw na mga bagay na nagpapaisip sakin. pwede rin ako magreact sa mga sinasabi ni mix at ng ibang tao… isa nga lang ang sigurado ako: kahit anong mangyari friend ako ni mix. pwede ko syang pagsabihan pero hindi ko sya aawayin. pwedeng isipin nya na inaaway ko sya pero ngayon pa lang isusulat ko na dito na my being brutally frank is just a facade of my care. leche! hindi talaga kaya ng powers ko. kelangan talagang singitan ng ingles. pasensya na, mix!

dahil dyan, winewelkam ko ang sarili ko sa mundo ng ETO ANG SAYO!

*salamat, mix!*

[edit: Walang anuman at salamat sa pagpapaunlak mo sa aking imbitasyon —> mixglorioso]

انتظر حتى ارى انك (Wait until I see you)

7 Comments

Another week… I’m counting the days…

Time was my enemy, now time is on my side...

Time was my enemy, now time is on my side...

Don’t be surprised… I’m a fool…

[Kasalanan] Ang bigat na tangan ng may sala

5 Comments

"TRES"

"TRES"

Random thoughts about life and forgiveness…

Ang pagsubok ay ibinibigay sa tao hindi para pahirapan siya kundi para malaman niya na may mga bagay pa siyang dapat matutunan at dapat lampasan. Mga kahinaan na dapat linangin upang sa susunod na pagkakataon ay magamit niya ito sa positibong paraan. Pagkatapos ng unos, makikita na ang kabilang dako ng paraiso, tunay na kaligayahan… Langit sa ibabaw ng lupa…

Tunay ngang marupok ang tao, madaling lokohin, madaling utuin ng mga taong mapagsamantala.

Una sa lahat, wala akong karapatang manghusga ng ibang tao. Ang nakaraang post ko ay isang post na ginawa ko 4 na araw bago ko ito ilathala sa internet, ginawan ko lang ng kaunting pag aayos nito para maging presentable at mas madaling basahin. Hindi ko inasahan na ang post kong ito ang may pinaka mataas na view sa loob ng isang araw simula noong nagsimula akong magsulat noong Pebrero. Isa rin ito sa pinaka seryoso kong limbag. Maikli ngunit walang paligoy-ligoy. Pero paumanhin, hindi ko naiwasang lagyan ng kaunting tagalog sa huling bahagi. Wala akong magawa. Tagalog ang dugo ko dahil taga Quezon ako.

Ang tao ay nililok ng karanasan, sabihin man nating nakatapos ka sa malaking paaralan, sa huli, hindi ito ang magiging sukatan ng iyong mga nalalaman.

Mahirap ang masaktan. Karaniwan, hindi natin malimutan ang hapdi lalo na ng nakaraan. Ngunit ano nga ba ang mapupulot sa bawat hampas sa atin ng tadhana, sa bawat luha na pumatak mula sa ating mga pisngi at bawat pitik sa atin ng katotohanan na tayo ay tao lamang… nasasaktan, nahihirapan, nagkakamali, nagkakasala.

Ang buhay ay isang paglalakbay, na maraming pipiliing landas. Isang libro na puno ng kwento ang bawat pahina. Isang kandila na unti-unting nauubos. Isang kwento na darating ang panahon ay matatapos…

Pakatandaan na mas mabuti ang magpatawad kaysa magkasala, wala nang tatamis pa sa talulot ng bagong pag-asa, na hatid ng malinis na kunsensya.

Isipin din natin na ang ating mga kilos ay may katambal na “opposite” reaction. Universal law yan at walang makakatakas diyan. Dumadating ang karma sa mga taong hindi nagsisisi. Sinisipsip nito ang bawat katas ng pagkatao ng may sala hanggang sa siya ay matauhan. Yan ay kung matatauhan pa siya at may natitira pang kunsenya.

Maglaro ka sa apoy at ikaw ay mapapaso…

Pag napaso ka, ibig sabihin ay nakarma ka at natuto…

Paghindi ka naman napaso… ipagpatuloy mo lang…

Yan ang magiging pagsasanay mo para sa init na apoy pagdating mo sa impyerno.

Hindi ako malinis na tao… mas mahaba pa sa listahan ng mga nagawang kasalanan ni Hitler ang mga kasalanan ko. Huwag na ninyong tularan ang pagkakamali na aking nagawa at sana’y magsilbing aral sa inyo ang buhay ko.

“Kung ikaw ay nadapa, nasaktan, nagkamali, nagkasala… Ibahagi mo sa iba upang hindi na nila kailangan pang maranasan ang hirap at pait na dinanas mo…” yan ang buena mano para sa tunay na pagbabago.

Para kay “Lily” Proud ako sayo…

[Eto Ang Sayo!]

(Paumanhin kung mukha nang halamanan ang aking pitak, sa susunod ay mga kamote, upo, gabi, sitaw, singkamas, avocado naman ang aking ilalagay. LOL!)

[Photo] Betrayal of Trust

20 Comments

How would you feel if you were betrayed by the person you love, be it a man or a woman?

I was sick today and I decided to ditch work. I needed the comfort and convenience of being near the toilet. I went to the “john” 2 times already and also 2 times to vomit my guts out. Was it the shawarma I ate while walking home? or was it the two cups of tea I took last night before I went to sleep?

It may be both, but there’s a deeper reason why I have to be close to the Toilet. My stomach couldn’t bear the reality that a person can betray another… Especially in the name of “Love”

I’m no expert when it comes to love, but I’m also no fool. Love conquers all fear, but we have to remember, there’s a very thin line between love and hate that we must never cross. It’s real but it is an unspoken truth.

Today I missed work, something I rarely do…

But it was also today that the truth unfolded in front of me. It was a day well spent. It was worth it.

For it wasn’t you who lost when you were betrayed, but the person who betrayed you. He/She lost the only real thing He/She has. And He/She will be the one to carry the burden of guilt.

Trouble may be brewing but I’m not affected. The only thing I like brewed is an ice cold Pale Pilsen or a free hot cup of coffee from Costa at the office. Nothing more, nothing less.

Why did I use such a beautiful flower for this post?

That’s because there’s always something nice bound to happen after the storm.

[Photo caption: A Flower from Lola’s garden at the foot of Mt. Banahaw, Dolores Quezon]

[Oh, kita niyo naman, pag english ang sinulat ko eh walang halong biro. Minsan lang yan! LOL!]

[Monthsary] Eto Ang Sayo 5 Buwan Na!

6 Comments

Haha! Nakalimutan ko na 5 Buwan na ang “Eto Ang Sayo!” ngayong buwan na ito, nagsimula na ulit akong magsulat, nalampasan ko ang mga pagsubok (medyo hehe) pumapayat na ulit ako (asa) at natututo nang maghigpit ng sinturon kahit papaano…

Hindi katulad ng mga nakaraang post ko, hindi espesyal ang post na ito.

Hmmm… Blanko ako… normal ito.

Cheers!

Older Entries

%d bloggers like this: