Una sa lahat, maraming sa lamat sa lahat ng bumibisita sa aking blog kahit na medyo namahinga ako sa pagsusulat sapagkat kailangan kong maghanap muna ng trabaho. Mahirap, nakakapagod, nakakaduling, nakakagutom, nakaka-irita, nakakapraning… yan ang mga nararamdaman ko habang naghahanap ng trabaho, at sa kadahilanang nangako akong hindi magsusulat hanggat hindi nakakahanap ng trabaho na uukit sa aking kinabukasan dito sa Dubai, tiniis ko ang pangangati ng aking mga daliri upang isulat sa blog ko ang aking saloobin, nararamdaman, kalokohan at pang araw-araw na adventure.

Sa makatuwid, may trabaho na ako, at mukhang mag-eenjoy ako bilang isang web content executive ng isang malaking magazine publishing company dito sa Dubai.

Ika-100 post ko ito, at nagkataon din na pumasok ngayong araw na ito ang ika-10,000 bisita ng aking blog, sayang lang sapagkat nanalo sana siya ng iPod kung nagpakilala siya at nag-iwan siya ng comment na siya ang bumuo ng aking ikasampung libong bisita. hehe! Noong ika-19 din ng Hunyo ay 4th month Birthday na ng Eto Ang Sayo! yahoo!

Natutuwa rin ako dahil maraming nagreact sa Last post ko, Buti pa kayo, naririnig ninyo at naiintindihan ang nais kong iparating, eh siya hindi, hindi nga ata niya alam na may blog ako eh! hahahaha! natutuwa ako pag nababasa ko ang inyong mga komento, kung pwede lang ay hihilingin ko sana na “i-spam” ang kanyang e-mail ng link sa post kong yon, ngunit iyon ay isang krimen sa mundo ng internet, at baka ma-violate ko ang kanyang privacy.

Ano ang “bago?” at ano ang mga susunod na “plano?”

  • Una, Salamat sa idea ni bluepanjeet at sa pagtuturo niya sa akin ng kabutihang asal upang ipagpatuloy ang aming munting misyon ng pagpapakilala sa mga newbie na tulad ko sa mundo ng blogosphere, magkakaron na ng bagong batch ng newbies corner at kung newbie ka at nais mo ng isang banner na may link papunta sa iyong blog gaya ng nakikita mo diyan sa tabi ng screen mo, ay mag-iwan lang ng link sa pahinang ito. Ito ay munting tulong lang na ibinabalik ko dahil minsan ay naging “newbie” rin ako.🙂
  • Pangalawa, inaanyayahan ko ang lahat ng mga manunulat, blogger, o blagista na taga Quezon na sumali sa “Kabataq” madali lang ang pagsali at sadyang ikagagalak ka naming makasama sa aming munting samahan. Kung nais sumali, ay puntahan mo lang ang link na ito o pindutin mo lang ang napakagandang logo na matatagpuan sa tabihan. Hindi na kailangang lakipan ng 3 pirasong balat ng tide, lagdaan, at ihulog sa pinakamalapit ng drop box ang inyong registration form, ang kailangan lang ay 3 minuto ng iyong oras (depende sa bilis mong mag-type).
  • Pangatlo, sisimulan ko na ang aking self-hosted na blog 2-3 buwan mula ngayon. Gusto ko lang munang tutukan ang aking trabaho at magsanay, para kahit may trabaho ako ay hindi na magiging “hassle” sakin ang mag manage ng 2 blog, Ang “Eto Ang Sayo!” at ang “????.com” na wala pang pangalan hanggang ngayon dahil masusi ko pang iniisip ang magiging domain name ng aking “OFW centered” blog na ang mga detalye at nilalaman ay akin ding sinasaliksik upang maging mas “useful” ito sa mga magbabasa.
  • Pang-apat, Magkakaron ng iba’t-ibang surpresa sa self-hosted kong blog, pati na rin ang “Eto Ang Sayo” maaaring ito ay sa pamamagitan ng cake, clown, bulaklak, pritos ring, chocnut o papremyo na ipapadala ko sa mananalo.🙂 hehehe! Abangan…
  • Panglima, bago na ang aking header picture na kanina lang kinunan, siyempre dapat mukhang nag-iisip ako at nagpapaka-emo pero sa totoo lang, pinagpapraktisan lang ako na kuhanan ng litrato.

Sa ngayon, yan pa lang ang naiisip kong mga plano sa maliit na pitak kong ito… Dadagdagan ko na lang kung may nakaligtaan ako. Kung may suggestion naman kayo or hiling ay magiwan lang ng mensahe dito.

Hindi ninyo alam kung gaano ako kasaya na bumalik sa pagsusulat, isang bagay na aking isinakripisyo para lang maiayos ko muna ang buhay ko dito sa gitnang silangan, ang dami kong utang sa mga bumibisita sa blog ko, lalo na sa mga bagong “mukha” na nakikita kong aktibong naglalagay ng comment sa aking mga munting post… Parang pakiramdam ko tuloy ay napag-iwanan na ako… hehe…

Hindi biro ang magpost araw-araw gaya ng ginagawa ko noong mga nakaraang buwan, halos araw-araw, walang mintis, at palaging may bago. Naging “hitik na hitik” ang blog ko ng mga kalokohan at kwento ko. Kaya nahirapan din ako ng pagdisisyunan kong iwan pansamantala ang Eto Ang Sayo.

Dumating din sa punto na ayaw ko nang ituloy ito… Ngunit dahil sa suporta ng ilan sa aking “malalapit” na kaibigan (uuyy… sino kaya yun?? hahahaha!), nagbago ang isip ko (at puso ko ata nagbago rin, haha!).

Muli… Maraming salamat🙂

mixglorioso… signing on!

I’m back! Yahooo!!!