Cloud 9, isang pakiramdam na napakasarap, isang tsokolateng pinoy na talaga namang hindi mo magiging paborito, ngunit hahanap-hanapin mo pag medyo matagal nang hindi dumadampi sa iyong mga labi ang mala-pulot pukyutang tamis na lasa nito.

Hindi tungkol sa pakiramdam at mas lalong hindi tungkol sa tsokolateng parihaba na maraming mani.

Ang post kong ito ay alay, sa bawat pawis, hirap, sakripisyo na dinaranas ng mga OFW ngayon dito sa Gitnang Silangan.

Tag-init na, karaniwan ay 40 setigrado ang init sa labas, mainit, masakit sa mata. Walang ulap para magbigay lilom (shade) at kung wala kang payong, kotse, space ship, karitela… posible kang maging biktima ng heatstroke, pangingitim, at mahapding balat.

Kung hindi lang ako nagyoyosi (kadiri) ay malamang nakakulong lang ako sa kwarto upang mag-internet. Ngunit kahit na masakit sa mata (kaya lagi akong naka-shades) at medyo “may amoy” ang mga dumadaan sa harap ko ay lumalabas ako ng pinto upang makahithit ng aking lifeline.

Walang clouds dito sa Dubai, at talagang bihira daw talagang umulan dito. Sa dalawang linggo kong ini-lagi dito sa Dubai, marami na akong natutunan, at dapat pang malaman.

  • Mura ang pabango / pamango dito sa dubai, sa halagang 25 Dirhams ay makakabili ka na ng pabango na “mamahalin” kung ikukumpara sa Pinas. Ngunit kahit mura ang pabango / pamango ay talaga namang nakasusulasok ang “aroma” ng mga makakasalubong mo sa kalye. Hindi ako racist, hindi rin ako mapanghusga, ngunit isama mo na ako sa pinoy na hindi naligo ng 3 araw, wag lang sa ******** na hindi naligo ng isang araw! luluhod na lang ako sa munggo!
  • Mura ang TV dito sa Dubai. Kanina lang ay sinamahan ko ang aking flat mate na si Nonoy upang bumili ng TV. Wala na kasi ang TV namin sa kwarto (hindi ko na rin naabutan noong dumating ako dito) at wala nang mapagsaksakan ng xbox 360 at DVD player. Naglakad kami sa Satwa upang maghanap ng telebisyong mura ngunit maganda. Sa isang tindahang punong puno ng kahon at iba’t ibang aplayanses kami napadpad, ngunit naghanap pa kami ng ibang tindahan na sakaling magbigay samin ng libre discount. Nang nakapag desisyon na kaming bumili ay minarapat ni Nonoy na ilibre kami ng tig-iisang shawarma at sofdrinks. Isang patibong na aming kinagat. Matapos nito, bumalik na kami sa tindahan upang bilhin ang 21″ LG Flatron na TV sa halagang 400 Dirhams. Mura… kasi isa lang ang channel, yung puro kulay lang. hahaha! pero sulit na sa halagang iyon ang TV na aming nasungkit sa murang halaga.

Ang kapalit sa patibong na shawarma???

Binuhat namin ang napakabigat na TV ng halos 4 na bloke, pagdating sa bahay ay tunaw na agad ang aking kinaing shawarma at lumabas na sa pawis ko ang ininom kong Mirinda.

  • Ang mga pinoy ay pawisin. Kung ikukumpara ang suot ng mga Pinoy sa suot ng mga “Locale” dito ay parang palaging susugod sa beach. Ngunit palaging pawisan. Ang mga “Locale” naman ay balot na balot ang katawan ngunit hindi pinapawisan. Hindi naman siguro sila naglalagay ng anti-perspirant sa mukha kaya wala kahit isang butil ng pawis.
  • Mahirap maghanap ng trabaho. Matagal ang reply / sagot ng mga employer. Hindi kagaya sa Pinas na halos kulang na lang ay punitin ang suot mong long sleeves para lang maipasok ka sa callcenter. Ngunit naniniwala ako na walang mahirap sa isang taong nagsusumikap, kaya kahit na 2 weeks na ako dito ay walang humpay akong nagpapasa ng aking CV sa kung saan-saang website. Pati Oil company na may ari ng isang malaking oil rig ay pinagpasahan ko na kahit na wala naman akong alam sa “pipe installation” hahaha!
  • Mura ang chocolate. Naging maagang habit ko na dito ang maglakad ng kaunti tuwing gabi. Ito ay para maibsan ang aking pananabik sa pagbubuhat, mahal ang gym dito. Mayroong mura at talaga namang mamamayat at mamumutla ka daw pag nakita at naamoy mo na ang umaalingasaw na “manly” sweat ng ibang lahi. Kaya sa bawat pagkakataon na maglalakad ako, hindi ko naiiwasan na hindi dumaan sa West Zone. Isang malaking 24 hour grocery sa tapat ng aming villa. Pagpasok ko sa loob, deretso na sa “chocolates and sweets” isle at sa halagang 2-3 dirhams ay may malinamnam na tsokolateng pupuksa sa kalungkutan ko habang naglalakad. Habang naglalakad ako, nakakasunog ako ng sobrang “baby fats” ko, pero habang naglalakad din ay may hawak akong chocolate sa isang kamay, dagdag sugar para sa aking enerhiya. Dagdag-Bawas lang… parang eleksyon sa Pinas. Hahahaha!

Malayo na sa ulap ang naisulat ko… bangag nanaman ako sa pagpupuyat. hehe! Sa mga darating na araw ay marami pa akong matutuklasan tungkol dito sa Lugar na unti-unti ko nang minamahal dahil sa makulay, mainit, mabango (ang pinoy), at mapaglarong kultura ng Dubai.

πŸ™‚