Almusal :

  • Isang tasang mainit na kape
  • 3 stick ng Gauloises (ang Marlboro substitute ko dito sa Dubai)
  • Shades
  • Pantulog na short na mukhang “pekpek” shorts ng mga nagdadalaga pero panlalaki (hindi ko alam kung maliit ba talaga yung shorts o sikip na sakin)
  • Hilamos ng mukha
  • Labas ng pintuan upang mag-muni muni habang pinagmamasdan at ikinukumpara kung ang suot ba ng kapit bahay naming ibang lahi eh yun pa rin

Yan ang mga ginagawa ko (hindi yan in order) tuwing umaga. Matapos ang routine na yan, job-hunt mode naman sa laptop ko.

Hindi pa rin ako naho-homesick, ang tanging naiisip ko lang na namimiss ko ay ang aking pamangkin na si nicole…

May buhok na si nicole sa picture na yan, at sana hindi na mawala sa mga susunod na chemo niya. Sana pagbalik ko ay longhair na ulit siya gaya noong maliit pa lang siya. Makulit ngunit bibo ang pamangkin kong ito, isang munting anghel na bumago sa buhay ko.🙂

Eto naman ang pinaka-bagong miyembro ng aming pamilya… si Adrian🙂

hehehe! cute yan si adrian, manang mana sakin. hehehe! Pamangkin ko siya sa aking kuya.🙂 Mabait na bata yan ngunit magugulatin. Goo-goo and gaa-gaa’s pa lang naririnig ko sa kanya noong umalis ako, sana pagbalik ko ay marunong na siyang magsalita ng “pneumonoultramicroscopicsilicovolcanoconiosis” ang longest word sa english dictionary. hahaha!

At siyempre namimiss ko rin ang pamilya ko, pero yung mga chikiting pa rin ang lagi ko naaalala lalo na pag may problema ako, nawawala kasi ang kalungkutan at alinlangan pag naiisip ko silang dalawa.🙂