Pagkatapos maglakbay ng 4,290 Milya mula sa pilipinas, sa taas na 34,000 feet at sa bilis na 512 Km/h sa loob ng 9 na oras. Narating ko rin ang Dubai. Isang bansa na wala sa mga plano ko ngayong taong ito, ngunit napuntahan ko sa tulong ng isang kaibigan.

Sa Australia sana o sa Netherlands ang punta ko ngayong taong ito, ngunit dahil sa pagkakataon at hindi maipaliwanag na dahilan (hindi daw maipaliwanag oh! haha!) Mas pinili ko ang Dubai.

Ilang taon akong hinubog ng Maynila upang maging independent, ito na ang ultimate challenge ksa aking sarili.

Hindi pa ako lumalabas ng bahay, mainit daw sa labas ngayon, naniniwala naman ako sa kanila kasi ang tubig sa gripo ay medyo maligamgam. Nakakulong lang ako sa kwarto at walang ganang kumain, sabik sa kung sino ang mag-oonline sa Yahoo Messenger ko. Mamaya ako magpopost ng mas detalyadong kwento tungkol sa aaking biyahe, Kailangan ko munang punan ang tawag ng kalikasan sapagkat sira/durog/sabog/humihilab ang aking tiyan dahil sa pagkain sa eroplano. Paalam muna. Mamaya ulit!πŸ™‚