Bigas… Yan ang naging isang malaking tinik sa lalamunan namin noong nandun kami sa Laiya. Sa previous post ko ng Laiya Adventure, makikitang binili namin ito sa isang bigasan sa San Juan. Ang bigas na binili namin ay hindi NFA rice, pero mamamatay ka sa pagsasaing dahil ang tagal maluto at matakaw sa tubig. Kailangan pang magsakripisyo ng kaunting tutong para maluto ng maayos yung nasa ibabaw. Kahit tumambling ka ng 100 beses, hindi maluluto ang sobrang espesyal na bigas na ito.

Pag may tiyaga, dagdagan pa ng isang kilong pasesnya at maluluto rin ang bigas. Hilaw ang gitna ngunit luto ang nasa gilid ng kaldero. Oo sasabihin nyo na sana hinalo, nilaksan ang apoy, hinaan ang apoy, dagdagan ng tubig at marami pang iba. Pero sa maniwala kayo’t sa hindi, ginawa na namin yan lahat. Naluto naman ang Kanin matapos ang halos 45 mins na pagsalang nito sa maliit naming kalan. Salamat. Whew!

Matapos ang mala-survivor naming bigas, nagluto na si meyn ng kanyang specialty na gulay. Sitaw, carrots, patatas, onions, garlic, rosemary (dried) paminta, at isang dakot ng pagmamahal and voila! masarap na ulam pananghalian! Si meyn ay parang si molto mario. Mahilig magluto at mahilig din kumain.πŸ™‚

Ang inihaw na tilapia… masarap, malasa, sariwa at punong-puno ng carcinogens! Yan ang first batch ng tilapia, yung next batch na binili namin kinabukasan, eh side “A” lang yung pwedeng kainin. Natulala kasi ang nag-iihaw na si miles sa mga chicks na naka bikini sa kabilang cottage. Nasunog ang side “B” pwede mo pa naman tiyagain kainin pero parang nakakawalang gana kumain ng “ULING” hahaha!πŸ™‚

3 oras na akong nakaupo dito pero hanggang dito pa lang ang nagagawa ko. haha! madami kasing nakikipagchat at may nag “hello” pa na “long loast friend” hmmm…

Sa larawan sa taas, makikita ang sipag ko sa paguutos ng pagtatayo ng tent. Nagmistulang mayordoma ako. hahaha! tumulong naman ako pero dahil sa kanila naman naka-toka yun eh ipinagpaubaya ko na.

Sila ang nagpakahirap magbuo, ngunit ako ang unang naglagay ng gamit sa loob… hahaha!

Pagkatapos mananghalian, inuman na agad! Ano pa ba namang gagawin namin eh masyado pang mainit para maglangoy. Poker, alak, yosi at beach. Parang yan ang ingredients para magkasala ng maaga. Sa larawan sa itaas, makikita si Pure a.k.a. emoboyblue, ako, si andre at si miles.

Alas 3 pa lang ng hapon ay medyo masama na ang tama ko. hindi na ako malakas uminom katulad noong college. Naalala ko tuloy ang panahon na nabuo namin ang “friday group” na miyembro ay ang mga kaboardmates ko (PJ, ako at si Chris) at ang magkakaibigang taga la salle taft (Jen, Vina and company). Inuman at kulitan magdamag. haaay… memories. Sa larawan nga pala sa taas, hindi galit si Pure. “Horny” looks niya yan. Yan ang kanyang “asset” haha!

Ako basag na at nakasandal na sa kawayan habang sila ay masayang naglalaro ng poker. Ang mga nasa larawan ay (from left to right) marc, meyn, andre, roi, benjie, donna, raquel, paul, pure, miles at ako…

At dahil lasing na ako, kailangang tumambay ako sa beach para mahulasan at ma-enjoy ko naman ang “view” hindi ko gustong humiga dahil matutuluyan na akong matulog ng deretso. Baka pag nagising ako eh biglang uwian na pala at mga nognog na ang mga kasama ko.

Sa 500+ na pictures na pinagsama-sama sa tatlong camera na dala namin, ang hirap mamili ng ilalagay saΒ  series ng posts kong ito. May iba kasing pictures na gaya nito:

Kaya naman sinusuri ko munang mabuti kung angkop ba sa blog ko ang mga larawan. Ayoko kasing mabansagang “porn site” at ayaw ko rin maglagay ng tag na “m2m” at “brokeback” haha! Marami kaming ginagawang kalokohan pag nakainom. Naranasan ko nang bumili ng alak sa Treats sa Petron sa Makati ng naka leather jacket lang at boxer brief. Kaya mo yun? hahahaha!

Sa susunod kong post, ilalagay ko ang huling bahagi ng trilogy na ito. Pero malamang abutin ako ng ilang araw bago ko ito mailathala dahil simula bukas (Lunes) ay magiging busy na ako sa pagaasikaso ng aking mga kailangan sa pag-alis. Ang bilis ng panahon… Parang kailan lang eh mga fetus pa lang tayo…

Itutuloy…