Sa kasamaang palad, ang laptop ng erpats ko ang ginagamit ko ngayon para gumawa ng maikling post kong ito. Ang laptop ko sa sa basement ay naghihingalo, isang file na lang siguro sa system32 folder ay bibigay na siya at sasakabilang buhay na. Kailangan kong mag-backup ng mga pictures, music, at documents.

Yan ang karma ng pag-iinstall ng crack, keygen, patch, hack at kung anu-ano pang mods para lang magamit ang isang software ng libre. Halos 11 years ko na rin ginagawa ang magpakakuripot sa mga software na nasa Desktop at Laptop ko. Pero ngayon lang ako “nakuryente” ng kasuklamsuklam na virus na sa halip na maubos kada scan eh lalong dumadami. Sa ngayon, hindi na ito nakaka connect sa wireless network, kung maka-conect man at sa local network lang at hindi sa internet. Itutuloy ko ang leksyon tungkol sa mga piratang software sa mga susunod kong posts. Ang dami ko nang pending na posts at kung empleyado lang ako eh baka nasesante na ako. May tag pa ako na hindi nagagawa na galing kay Iris, hindi ko pa natatapos ang post ko tungkol sa laiya adventure, at hindi ko maayos ang practice website ko na free ang domain at free din ang host.

Special thanks to Bluepanjeet, at Nika for helping me with some terms that I don’t understand with FTP and Hosting. Kung mahilig naman kayo sa quotes, bumisita na sa malnis at malamig sa mata na bagong site ni Nika kayo bumisita. Pramis walang chain texts dito! hahaha!

Paalam muna at malamang hindi muna ako makareply sa mga comments niyo, pero baasahin ko yan dahil sisilip ako sa blog ko from time to time. Salamat ulit sa mga nakikitsismis at sumisilip sa maliit na pahina ko!🙂