Ang Aking Banda… Ang GENUFLECT

Ang buhay isang musikero, magulo, masalimuot, masaya, nakakapagod at nakakarimarim. Walang pera sa pagbabanda, ito ay isang libangan na nagsimula lang noong naging sesyonista ako sa ibang banda noong Highschool. Nagkaroon ako ng Banda noong 2003, sarili kong banda… hindi ako sesyonista.

Marami nang pinagdaaanan ang banda namin, nagoyo na kami at tinakbuhan sa bayaran, na-late sa ibang performance, hindi naka-attend sa mga commitments at tumugtog kahit na disabled ako.

Ang pagbabanda sa akin ay isang libangan, hindi ako kikita dito, tama na ang isang libreng bote ng redhorse sa isang performance. Sapat ng kabayaran ang palakpakan sa bawat kantang matapos namin.

Noong last week lang, huling akyat ko na sa entablado kasama ang aking bandang Genuflect. Sa pansamantalang panahon, iiwan ko muna ang industriyang akin nang minahal. Alam kong dadating din kami sa oras na magkakahiwahiwalay kami at tatahakin ang ibat-ibang ruta ng buhay. Nagkataon lang na ako ang kailangang umalis. Ibinilis ko na kay Meyn (Guitars) at kay Paul (Drums) na humanap na muna ng ibang bokalista habang wala ako, at kung gagawa sila ng desisyon na malaki ng wala ako ay ituloy lang nila. Ayokong maging hadlang sa kaligayahan nila, tulad ko, mahal nila ang mundo ng musika.

Masaya naman ang huling gig namin, madaming kaibigan ang pumunta at marami ring tao ang nanuod. Disappointed lang ako dahil tinawag na “METAL NIGHT” ang gabing iyon dahil mga metal na banda lang ang tutugtog ngunit marami pa ring “EMO” at “ALTERNATIVE” na nakalusot. Hindi naman ako galit sa mga Genre na yan, kaya lang sana kung may tema ang isang production, sana naman matupad, kasi pinaghandaan namin ang pagtatanghal na iyon at ng ibang bandang metal. Sana naging propesyonal naman sila.

Less Talkie, More Photography… eto na ang mga larawan na kinunan sa gig namin, ipagpaumanhin ninyo ngunit hindi lahat ay ipo-post ko sa kadahilanang talagang nakakaumay tumingin sa larawan na halos lahat ay kasali ako… bakit kamo? kasi blog ko to… ngorks! hahahaha!

Sa larawan sa itaas, makikitang nakapikit ako pagkanta ko… Ngayon lang ako nagperform ng walang suot na shades, halos lahat ng gig namin, kahit madaling araw na ay may shades akong suot. Ayoko ko kasi ng makikita akong nakapikit sa mga pictures. Pero sa pagkakataong ito, wala akong shades, kung bakit? wag niyo na lang alamin sapagkat isang mahabang istorya. Noong hapon, bago kami magperform, pinapili ako ni Meyn ng Shades na gusto kong isuot, pinapahiram niya ako sapagkat alam niyang hindi ako kumakanta ng walang suot na ganito. Sa gulat niya, tumanggi ako…🙂 Huling pagtatanghal na… hindi ko na kailangan ng shades upang maitago ang aking mga mata…

Kahit hindi ako kumakanta, nakapikit pa rin ako, iminumulat ko lang ang aking mga mata pag medyo nakakatulog na ako sa entablado. HEHE!. Dati na akong walang hiya, noong HS pa lang eh marami na akong kalokohan at katarantaguhang ginagawa sa harap ng klase lalo na pag wala ang mga guro. Pero noong panahon na nagbabanda kami, nagkaron ako ng stage-fright, isang pobya na medyo nahirapan akong malampasan. Pero ngayon ok na ako, hindi naman ako takot sa mga tao, takot lang ako na magkamali ako lalo na sa lyrics. Naalala ko yung gig namin na kasama namin yung Aegis, kumanta ako ng “Your love” ng Alamid. Ang lyrics ko ay “Your love is like the sun, that lights up my whole world, shenanganan insahiyayd. Your love is like a river la la la la la la, shenshenenen insahiyayd…” Hahaha! Maraming nakapuna sa pagkakamali ko, lalo na yung mga kaibigan namin. Nakakatawa yung experience kasi hindi na kami nagcocover ng mga kanta, bihira na. Kaya nahirapan akong magmemorize ng kanta, ayun… kailangan kong magtumbling sa stage para makalimutan nila ang pagkakamali ko… yung tipong sasabihin ng nanunuod ay… “Nagkamali siya sa pagkanta nakaka… OY tingnan niyo! nagtumbling! ang galing!!! whooo!!!! astig!… ano nga ba yung sinasabi ko sayo?” Kailangan mong magtumbling para makalimot ang mga nanonood… or kung nagkamali ka… kailangan galingan mo yung sa kasunod na kanta at wag mag-iimbento ng lyrics na shenenen dahil walang ganyang lyrics… Yan ang natutunan ko…

Tapos na sana ang performance namin sa loob ng 3 kanta, ngunit dahil huling el bimbo na namin to, hindi na namin pinalampas at pinatulan na namin ang mga sumisigaw ng “more” hindi kami nageextend ng performance, ito ay bilang respeto na rin sa ibang kapwa namin musikero na kasunod namin sa lineup. Pero dahil ang EX-GF ko ang next na tutugtog, pinagbigyan na kami, mahal pa nga siguro niya ako… Hahaha!

Sa susunod makikita niyo pa ang ibang larawan… kung maraming magrerequest, ilalagay ko rin picture ng EX ko…. hahahaha!

Itutuloy…