Wednesday nanaman bukas, luluwas nanaman ako ng Manila dahil sasamahan ko ang ate ko at ang pamangkin ko para sa kanyang chemo.

Kasabay nito, papunta rin ako sa NSO sa Kamuning. Kukunin ko ang SECPA ng correction sa aking pangalan. Sa thursday naman, papunta ako sa NBI sa Quiapo upang burahin ang aking mga records kumuha ng NBI clearance na pang-abroad. Sa Friday, Mag-aayos ng mga gamit ko sa boarding house ko sa Manila dahil lilisanin ko na ang lugar kung saan halos 8 taon akong namalagi.

Magiging busy ako sa mga susunod na araw. Gagawan ko ng paraan upang makasagap ako ng wireless sa mall para mabisita ko ang blog at e-mails ko. Malamang hindi rin naman ako makakapagsulat pero siguro ok lang. Nagiging “MAINIT” na kasi ang bloglife ko.

I need time to breathe… pero pustahan tayo malabo yan… ako pa! Parang hindi na ako mabuhay ng walang internet, para akong walang brief, para akong adik.

Mabalik tayo sa pamangkin kong si nicole… May buhok na ulit siya! Eto ang pruweba…

Nicole and ate Joy

This photo was taken last March 25. May buhok na ulit si nicole and she’s lovin’ it! Si ate ko ang kasama niya sa picture.

Mahirap ang magkaron ng kamag-anak na may sakit, lalo na kung bata. Sa murang edad ni nicole na 4 na taong gulang, mas maraming turok, blood test, confinement, swero, at kung ano-ano pang masasakit na bagay ang kanyang naranasan kaysa sa akin. Isa siyang munting anghel na mandirigma.🙂 Salamat sa diyos at ayos na siya ngayon. 24 Months na lang ng chemo at magiging maayos na siya.🙂

Para sa lahat ng nagdasal para kay Nicole. Maraming salamat.🙂

Isama niyo na rin si Lex sa inyong mga dasal. Isa rin siyang Leukemia survivor na nakilala ko dito sa wordpress, hanggang ngayon lumalaban siya sa sakit at matapang niyang hinaharap ang mga pagsubok. Pagaling ka Lex! andito lang kami pag kailangan mo kami!

Busy na ako simula bukas… maswerte nang mabuksan ko ang blog ko. Pero sa inyong masugid na nagbabasa ng blog ko, maraming salamat! Yung mga nagbabasa ngunit hindi nagpapakilala, mag-iwan sana kayo sa “LEAVE A MESSAGE” button ko sa itaas para naman mabisita ko ang blog or kahit friendster ninyo.🙂

Hanggang dito na lang muna mga kasama!