Kailan pa naging kasalanan ang mag-iwan ng isang comment sa blog?

Gaya sa post ko titled “kalayaang magsulat” naniniwala ako sa freedom of speech, pagpapahayag ng saloobin, paglalabas ng hinaing at pagsasabi ng pananaw.

Walang bawal sa blogosphere… Kung may violent comment akong natatanggap (na wala pa naman hanggang ngayon kundi sa isang reply mula sa isang blog) i-aaprove ko ng walang pagdadalawang isip. Bakit ko bubusalan ang bunganga ng gustong magsalita? bakit ko pipigilan ang matalas mong dila? bakit ako hindi papayag gayong ang nais ko nga ay ang kalayaang magpahayag? PRACTICE WHAT YOU PREACH! yan ang isang bagay na ginagawa ko dahil pangalan ko at pagkatao ang nakasalalay dito.

Kanina lang, nagbabasa ako sa blog ni Sinaglaya, Hindi ko alam na may nag-iwan ng “violent” comment sa “comment” na iniwan ko sa isa ring artikulo ni Sinaglaya. Ok lang naman sakin yun. At hindi rin naman ako galit sa kanya. Sana lang, dito siya sa aking pahina nag-iwan ng mensahe o komento, kaya nga meron akong “RING MY BELL” at “LEAVE A MESSAGE” na button diyan sa taas. Hindi ko kasi nadepensahan ang sarili ko. Mababaw pero bumubukol. Nais ko sanang padalhan siya ng mensahe, kaya lang, pangalan lang niya ang nasa komento… code name pa, wala rin namang link kung saan mapapadpad ako sa pitak niya. Saan ko naman hahagilapin ang isang taong gumagamit ng codename kung kahit ang baliw sa kanto ay umaamin na siya ang tunay na shaider at ang ka-chat kong si pretty_kiss ay isa palang lalaki.

Natuwa naman ako sa balanseng pagtingin ni Sinaglaya sa comment ko. Salamat pards! Hindi ko akalain na may mag-rereact ng ganun. Hindi ko naman sinasadyang makasagasa, ipinahayag ko lang ang mga bagay na naglalaro sa aking diwa. Salamat sa pagbalanse mo sa komento ko…

Ang buhay ko sa blogoshere ay salamin ng aking pagkatao. Wala akong tinatago dito.

Sa totoo lang, pangalan ko pa ang gamit ko sa URL ko na https://mixglorioso.wordpress.com. Wala akong tinatago. Maliban na lang siguro sa mala-bacon kong brief na hindi ko isinusuot at nakatago lang sa isang sulok ng aking closet na gagamitin ko kung sakaling hindi ako makapaglaba, magkaron ng giyera, sumugod ang mga alien o may kaibigan akong manghihiram.

Eto ako… hindi ko po pinipilit na basahin ninyo ang blog ko. What you see is what you get, information is free, use it wisely. Nagmimistulang hubad ako sa malaking mundo ng internet, kahit sa comment ko sa ibang blog “mixglorioso” ang gamit ko, hindi ko kailangan ng codename, hindi ako superhero at hindi isang online game ang blogging kung saan kailangan ko ng codename para lang makapag “trash talk” ako. Wala naman akong hinihiling kundi ang kalayaang magpahayag. PRACTICE WHAT YOU PREACH.

Ang dila ko… matalas… pero hindi ka mahihiwa kung hindi ka tatamaan. Alam yan ng mga taong malapit sakin. Alam yan ng mga taong nakapaligid sakin. Alam yan ng mga tunay na nakakakilala sakin.

Wala pa akong ina-approve na comment laban sa blog ko… ito ay sa kadahilanang wala pa akong natatanggap hanggang ngayon. Kung meron man ilalagay ko… bakit? Kalayaang magpahayag…

Nakakasawang pakinggan ano po?

Kalayaang magpahayag…
Kalayaang magpahayag…
Kalayaang magpahayag…

Nakakasawang pakinggan, pero lahat, yan ang nais maranasan.
Bottom line:

R-E-S-P-E-C-T

Respeto sa sariling pahayag…

Respeto sa pahayag ng iba…

at pangunawa sa mga taong hindi marunong rumispeto sa komento ng iba.
Hindi mo mabubusalan ang bibig ko, Hindi mo ako mapipigilan magpahayag, at hindi ako papayag na hindi maipahayag ng iba ang gusto nila.

Kitang-kita ang pangalan ko. Wala po akong itinatago maliban na lang din siguro sa mga hubad na larawan ko. Speak up… I’ll be waiting. And if you say something that may not be music to my ears, trust me I will still post it.

Why?

Because I Practice What I Preach…

Pero kung talagang makulit ka at gusto mo akong busalan sa bibig? regaluhan mo ako ng lechon. Habang kinakain ko iyon, hindi kita papansinin, hindi rin ako magsasalita, hindi rin ako makakapagpahayag. Pero pansamantala lang yan… oras na manguya ko na ang kahit pinaka-sulok na singit ng lechon, lantakan ang ma-cholesterol na utak, damhin ang lutong ng huling piraso ng balat, sipsipin sa aking mga daliri ang huling patak ng sarsa… pasensyahan tayo… magsasalita pa rin ako.🙂 Siguro mga 20 Minutes mo lang ako napatahimik! hahahaha!

____________________________________________________________________________

OT: Wala pa ang mga pictures ng gig. Hindi ko makuha sa santong dasalan. huhuhuhu!