Oh my siomai! Friday na, medyo malat pa ang boses ko. Kailangan nang gumawa ng remedyo, kung hindi eh dadalhin ko nanaman ang kaba sa linggo na baka hindi ayos ang performance ko. At anak ng tipaklong! Thursday nga pala kahapon! hindi ako nakapag-post ng picture para sa LP! waaaa! pano na ang membership ko nyan!

Ang Linggo ay araw ng pahinga, pero ngayong darating na Linggo, walang pahinga. Araw ng Metal sa Linggo, ang Feedback production ang may pakana at tutugtog kami.

Ang hirap ng ganito, kailangan makapag-sepra kami sa lalong madaling panahon. Alas 10 na ng umaga. Kakagising ko lang. Batugan na kung batugan pero alas 5:30 na kasi ako ng umaga nakatulog. Ang Lunch ko ay breakfast na rin. Sanay na ako sa ganyang setup simula noong college pa ako. Ang Brunch ang pinaka importanteng meal pramis.

Kakain, liligo at lalarga na papunta sa bahay nina meyn para makapag ensayo kahit isang araw lang. Wala kasi akong planong mag ensayo bukas dahil gusto kong pumuntang hotsprings. Time to relax, kahit na araw-araw eh relax naman ako. Medyo sablay yung timing, mainit ang panahon tapos sa hotsprings pa ako pupunta, pero malay natin, ito na ang pagkakataon kong maging isang “hot” papa! hahaha! Walang imposible. Bilog ang mundo haha!

Ok na ang Newbies corner ko, may banner na ako para kay ifoundme. Para sa mga iba kong bisita, click niyo lang yung larawan niya dun sa widgets corner ko sa tabi.๐Ÿ™‚ Ang bawat banner sa newbies corner ay tatagal ng 1 hanggang 2 Linggo. Ito ay para mabigyan ng pagkakataon ang ibang newbie na naging kaibigan ko dito sa wordpress na magkaron ng ga-kurot na exposure. Inuulit ko, hindi ako nangangako na maraming bibisita sa blog ninyo, pero may isang malikot ang utak na pipindot niyang banner, pramis! hindi naman ganun karami bumibisita ko sa blog ko pero may makakapansin niyan๐Ÿ™‚ hahaha!

Hanggang dito na lang muna pards. Busy ako ngayong araw na to, at kahit naka-online ako sa YM hindi po ako makakasagot sa inyo.

Isang araw ng madugong ensayo…

Pero pustahan pa tayo…

Mauuwi ito sa inuman mamayang gabi…

Goodluck sakin.