May mga araw na kahit hindi ka naman pagod, nakakatamad pa rin magsulat. Yan ang araw ko ngayon.

Puyat ako kagabi, alas 4 y medya na ako dumating sa bahay galing sa inuman. Ngayon lang ulit ako nakainom ng ganito, sa totoo lang, hindi na ako masyadong umiinom simula noong enero, yosi na lang ang bisyo ko na ngayon eh medyo binabawas-bawasan ko na rin. May epekto naman ang pagbabawas ng beer at emperador. Medyo may iniliit ang tiyan ko. Hindi naman ako nagpipigil pag Fundador Exclusivo ang ipapainom sakin, sayang din haha!

Wala akong kwenta today. Gulay ang katawan ko at wala akong ginawa kundi humilata, uminom ng pineapple juice, magyosi, kumain ng chips at manuod ng online streaming video.

Ang sarap ng buhay ko kung tutuusin, hindi gumigising ng maaga para pumasok sa work, hawak ko ang oras ko pag gabi kung kelan ko gustong matulog, walang katapusang tambay at petiks mode. Pero ang lahat ng ito… nakakasawa. Halos 3 months na akong walang trabaho. Walang income at umaasa sa savings ko. Hindi nakakatuwa. Ang palaging magliwaliw ay parang nakakasawa…

Next month lilipad na ako. Kung anong buhay ang aking haharapin sa ibang bansa… diyos lang ang nakakaalam. Doon wala nang tambay mode, wala nang paghilata, wala nang petiks mode.

Ibang buhay, panibagong simula at kakaibang adventure ang sakin ay naghihintay sa Dubai.

Hindi ko na muna itutuloy ito… dahil wala akong gana magsulat today. Ayaw ko rin magbutingting ng blog ko.

Pass muna…

Siguro bukas… pwede na🙂