Mahilig akong magbsa ng e-mail, minsan may inaabangan pa talaga ako.πŸ™‚ Para sa akin, since patay na ang tradisyunal na “snail mail” at minsan pag bilog ng buwan ko na lang nakikita ang kartero, ok na ang makatanggap ng e-mail galing sa kapamilya at mga kaibigan.

Minsan, pag nakitang kong forwarded message, nag-aalangan akong buksan, malamang kasi eh miracle, miracle nanaman yan, pass to 25 of your closest friends or something bad will happen to you, Mr. Adolfo dela temptasyon lost his life when he did not forward this e-mail. Yung mga ganyang tipong mail na ang sarap ipakain sa kung sino mang gumagawa niyan. Hindi kasi nakakatuwa na may mga taong naniniwala diyan. Isa lang yang e-mail or text message. Hindi yan sumpa. Hindi ka mamamatay pag hindi mo ginawa, hindi mauubos ang kabuhayan mo at mas lalong hindi mauubos ang pamilya mo na parang may fratwar ang sigesige sputnik at batang city jail, hindi mawawala ang pinakamalapit na tao sa buhay mo. Hindi. Hindi. Hindi.

Anak ng tokwa. Maniwala kayo mga pards, sa sobrang dami ng natatanggap kong ganyang e-mail, wala pa akong ibinalik, ipinadala, pinamahagi. Hindi ako naniniwala sa mga ganyang chuk chak chenes. Hanggang ngayon ay buhay pa ako. Ang tanging nangyari sa akin? napuno ang trashbox ng Gmail account ko. Pramis. Kung may kilala kayong namatay dahil hindi sumunod diyan, magpapainom ako!

Dell International Services Pasay Technical Support Specialist

Sa larawang ito, makikita ang namimilog kong mata, Si jem na nasa itaas ko. Si Mikey na may hawak ng gitara, at si Oscar, ang Dennis Trillio ng Batch 12 sa Dell. Kaya lang mukhang natabunan siya.

Kanina pagkagaling ko sa DFA, isang damukal na e-mail galing kay wordpress at sa mga kaibigan ko ang sumambulat sa akin. Yung iba, binura ko kasi alam kong spam. Yung sa wordpress inaprub ko dahil comments. Nakita ko and e-mail sakin ni Jem Joya, Kaibigan ko noong nasa Dell International Services pa ako at kaibigan ko pa rin naman hanggang ngayon. Si Jem ang Boses sa likod ni “Dennis” sa Anime na Ghost figther (pasesnsya jem dahil inilabas ko ang iyong sikreto! haha!). Isang talentadong, mabait at down to earth na tao yan si Jem, pramis.πŸ™‚ May e-mail siya na akala ko isa nanaman sa mga jokes na palagi kong natatanggap galing sa kanya. Hindi siya joke… basahin niyo na lang… forwarded message lang siya pero meron siyang kwenta.πŸ™‚

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensyahan. Kapag dala

ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw

sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang

isang matanda. Nagse-self-pity ako a tuwing sisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang

sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng “binge!” paki-ulit

nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang. Pasensya ka na, anak.

Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang

tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa

lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at

paulit ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako.

Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.

Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng

lobo, paul it-ulit mo ‘yong sasabihin, maghapon kang mangungulit

hangga’t hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtyagaan ko ang

kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda,

amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang

katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong

pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinatyagaan kitang

habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako’y masungit, dala na

marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.

Kapag may konti kang panahon, magkwentohan naman tayo, kahit

sandali lang. inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang

kausap. Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo

na sabik na sabik na akong makakwentohan ka, kahit alam kong hindi

ka interesado sa mga kwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka

pa? Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong

kwento tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako’y magkakasakit at maratay

sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaan alagaan.

Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan,

pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking

buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana

ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang

kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na

lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagapalain ka sana … dahil

naging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina…

-Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles

CWL Spiritual Director

St. Augustine Parish

Baliuag, Bulacan

Reality… Pagtanda natin, sana maging malibog na lolo at lola tayo, masaya tayo at kontento sa buhay na ating inilagi sa mundo. kahit umiihi na siguro ako sa saluwal ok lang, sa future kasi may mga shorts na na hindi nababasa at hindi nangsusulasok ang amoy kahit isang linggong hindi palitan.πŸ™‚