Ang mundo ng blogging… Masaya ngunit masalimuot…

Noong una, parang natripan ko lang buhayin ang blog ko sa friendster, matagal na kasi akong hindi nakakapagsulat doon. Pero naisipan kong pangit, basura, walang dating, matagal mag-load, konti ang options, nakakawalang gana at patay ang themes ng blog. Nagpasya akong lumipat sa WordPress at ngayon, after a month and a half, masaya at malaya na akong nakakapagsulat.

Nakakaadik magsulat at magbasa ng ibang blog. Noong una akala ko ay magiging isa lang itong libangan upang ibsan ang lungkot na aking dinadala. Nagsimula akong magsulat sa WordPress noong Febuary 19, 2008, kung tutuusin, baby pa ang blog ko, may gatas pa sa labi, at tinutubuan pa lang ng balahibong pusa.

Mahirap kumuha ng followers, mahirap kumuha ng taga-basa. Pero kung tutuusin, ang blog ko naman ay ginawa ko para sa akin, para makabalik sa sigla ng pagsusulat, para maipahayag ang sarili at makapag-share ng ibat-ibang kwento. Ang mga taga-basa ko noong una, mga close friends ko lang, at yung iba na nag-click ng link ko sa friendster. Invisible ang blog ko sa mundo ng blogging. At suwertihan lang ang mapadpad sa page ko.

Nagdesisyon akong maglagay sa pahina ko ng Newbies corner, isang pitak sa widgets corner ko na gagawin ko as soon as meron akong mapisil na blog, nakuha ko ang idea mula kay Bluep. Si Bluep ang nagpakilala sakin sa maraming chicks, alak, sugal at pambababae, mga makabagong teknik kung pano mapapansin ang blog ko. Marami rin kasi akong ginagawang mali noong una. Tapos gumawa siya ng banner sa site niya na “NEWBIES CORNER” naka link yun sa blog ko at nakatulong ng malaki sa traffic sa blog ko kahit na hindi naman ako nag-momonetize pa. Pero soon gagawin ko yan, ibang blog nga lang. Nadagdagan ang pasok ng bisita sa blog ko, ang ilan dito ay masugid na followers ng kanyang Blog.

Ako sa Newbies corner ng blog ni Bluep

Sa itaas na larawan, makikita ang Newbies Corner OTWOMD… sa blog ni Bluep.πŸ™‚

Hindi ko hiniling kay Bluep na igawa niya ako ng banner, pero malaki ang pasasalamat ko at utang na loob sa kabaitan na ipinakita niya sa akin. Minsan nga hindi ko na alam ang nararamdaman ko para sayo pare! haha! Bilang tulong sa ibang kaibigan ko na nahikayat kong magsulat, gagawa rin ako ng “Newbies corner” sa blog ko. Spread the legs love ika nga. Sa paraang iyon, kahit na kokonti ang nakakabasa ng blog ko, may pagkakataon namang mabasa naman ng iba ang mga blog ng mga baguhan sa blogging ngunit magaling sumulat. Siguro 1 linggo or more (pag wala pa akong makitang newbie) ko ididisplay ang banner ng kung sino mang newbie ang mapadpad at makaagaw ng aking atensyon, para naman mabigyan sila ng mahaba-habang exposure. Sa ginawa ni Bluep para sa akin, hindi niya alam na tinuruan niya rin akong hindi maging madamot at makapagbigay sa ibang tao ng pagkakataon to “shine” kaya sana maging aral din ito sa ibang bloggers.πŸ™‚ Maging selfless tayo… at suportahan natin ang ibang nagsisimula pa lamang… tayo-tayo lang naman ang nagtutulungan, at kahit sa mundo ng cyberspace lang magkakakilala eh parepareho naman tayong pinoy writers.

Mahirap ang maging newbie, nangangapa ka, wala kang mapag tanungan, puro experimento… yan ang dahilan kung bakit marami akong kakilala na nagbuo ng blog… tapos hindi na naupdate kahit kailan. Parang friendster blog… habang tumatagal, nawawalan ng kwenta. Nabubulok sa isang sulok.

Sa mga susunod na araw, mamimili ako ng blog na ilalagay ko sa tabi Newbies corner… isang tulong para sa newbies na hindi naghihintay ng kapalit…

At para kay BLUEP… Salamat sa idea!