Ang pagtatapos ng aking Puerto posts, sa katunayan lang dapat noong isang araw ko pa ito naipost, ang katangahan ko kasi ay gumawa ako ng bago, nakalimutan kong meron nga pala nakalagay sa drafts ko.

Dahil sa Ubo at heartbroken Sipon nagbabad ako sa kama, 9am na ako nagising. Sayang hindi ko nakita ang sunrise. Buti na lang at hindi pa masyadong mataas ang sikat ng araw. Dahil hindi pa ako “nabeberginan” ng dagat ng puerto, matapos ang quick almusal ay nagdesisyon na akong magliwaliw sa buhangin at dagat!

Anak ng Laot!

Hindi masakit ang tama ng araw sa aking maselang katawan balat, wala pa rin gaanong tao sa beach kundi mga batang gumagwa ng sand castles. Inabangan ko silang umalis, pagkatapos ay pinagdiskitahan ko ang kanilang kastilyong buhangin!

Kastilyong Buhangin

Hindi ako galit sa picture sa taas at mas lalong hindi ako nagpapacute, nakaharap ako sa sinag ng araw na sa sobrang tingkad ay napapapikit ako. Sa picture sa ibaba, sila ang mga “massage girls” sa halagang 200 pesos per hour, may whole body massage ka na gamit ang katas galing sa piling-piling sangkap sa kagubatan ng mindoro. Hindi ko ala kung magaling sila dahil hindi naman ako nagpamasahe, pero dahil hindi sila masyadong camera shy, nagpakuha ako ng picture kasama sila.

Massage ladies

Okey ka Kokey

Sa larawan sa itaas, makikitang “OK” lang ako kahit naglalangoy ako sa medyo malabong tubig na iniwan ng mga nanggaling dito noong holy week. Matapos ang maikling pagtatampisaw ko sa kasalanan dagat. Umahon na ako sa tubig at nagpahinga habang hinihintay and adventure ng lovebirds kong kasama.

Up up and away again! Up up and away!Para-Sailing!Em and Me

Nag Para-Sailing ang magkasintahan, ang rate nito ay 1,500 pesos per head, pero kung 2 kayo ay 2,000 pesos na lang. Hindi na ako nagtry nito, bukod sa wala na akong budget dahil wala namang ATM na mapagkukunan ng datung dito sa Puerto, ay libre naman ang sakay ko sa speedboat para makita ko ang view ng Puerto mula sa karagatan, pero kung may partner ako, kahit ibitin mo ako ng patiwark sa para-sailing na yan!. Pagkatapos nito, konting swimming tapos bumalik na kami sa kuwarto upang magligpit.

Ako!

Bago kami umalis kumain muna kami sa Shakey’s, wala kasi niyan sa Manila at wala rin niyan sa Lucena kaya kailangan kumain kami diyan… Hahaha! at dapat meron din akong smile na “meyn” sytle!

Huwaw!

Pagkatapos kumain, pumatay kami ng malalaking balyena, dugong at dolphin oras. Medyo may kaunting oras pa kasi bago umalis ang aming banka mula sa beach/pantalan. Isa sa mga huling kuha ko dito ay ito… ang mga batang sumisisid ng piso at tumatambling sa tubig…

Smile!

Hanggang dito na lang muna… medyo bitin pero umaangal nanaman ang mga mata ko…🙂