Hindi ko sana bubuksan ang blog ko, kaya lang para akong nahihipnotismo.

Kakauwi ko lang galing Mindoro, medyo pagod pa at ang mata ko ay mapungay na. Kung hindi kita kilala at makikita mo akong nakatingin sayo, baka isipin mong malaki ang crush ko sayo dahil sa lambing ng aking mga titig. Puyat, pagod at masakit ang katawan dahil nasobrahan sa pag-eenjoy.

Sa lahat ng nag-view simula umalis ako, maraming salamat! sa lahat ng nag-iwan ng comments, maraming salamat! kay MisYel, gagawin ko ang tag mo sakin, maraming salamat at ako’y naalala mo! sa mga nahuli ng akismet, maraming salamat akismet! sa mga bading na nakita ko sa puerto galera, salamat dahil nalaman kong hindi nga 20/20 ang vision ko!

Marami akong nakuhang larawan sa maikling pagbisita ko sa puerto, sa ngayon, bibitinin ko muna… pero sa kabuuan ang rating ko sa Puerto Galera ay 3 stars out of five.🙂 Sa next post ko ipapaliwanag kung bakit.🙂