Kama, ang bestfriend ng katawang pagod. Pugad ng pag-ibig ng mag-asawa. Entablado ng porn stars. Himlayan ng malapit ng mamatay.

Ang kama ay maituturing kong necessity, mas mahilig akong matulog kaysa manuod ng TV, mas gusto ko rin humiga (humilata) pag pagod ako.

Maghapon ako nakahiga sa kama ngayon. Dahil bukas, lalagari ako ng maynila, pupunta ako ng DFA Pasay, NSO East Ave at Fe Del Mundo Children’s Hospital.

May mga tao na mahilig mag shopping, bar hopping, etc. Ako sa kama lang masaya na.🙂