Kakagising ko lang, ala-1 na ng hapon at tirik na ang sikat ng araw. Nagbabasa ako ng mga bagong comments at natawa ako sa comment ni Maru, dahil diyan, pipiliin ko na ang words na gagamitin ko. haha!

Isang buwan na ako sa wordpress bukas, may mga bagay pa rin akong ngayon lang natutuklasan, at siyempre naging adik na ulit ako sa pagsusulat. Natigil kasi ang pagsusulat ko simula noong nagkatrabaho ako, pero that time, hindi blog kundi mga awitin ang ginagawa ko.

Haaay…

Nakakainis dahil hindi ko pa alam kung sa Marinduque ako pupunta or sa Mt. Banahaw ngayong Holy Week. First time ko kasing pupunta sa Moriones kung doon ako mapadpad. Gusto ko rin naman sa Mt. Banahaw kasi masarap ang feeling doon at masarap din mag-emote.

Ang bilis ng panahon. Holy Week na agad…