Walang laman ang utak ko ngayon, bangag ako at nanlalambot.

Hindi ako makapagsulat today, puyat kasi ako dahil 5:30AM na ako nakauwi ng bahay (ng buhay) . Nakakatamad pag linggo, tapos nagkataon pang easy listening yung pinatugtog ko pagkagising kanina. Wala akong ginawa ngayon kundi maghanap ng video sa youtube.

Tutal wala naman akong maisulat ngayon, post na lang ako ng isang video na talagang noong una kong napanuod ay napaluha ako.

Siya si Paul Potts, kamakailan lamang ay pinapanuod sa akin ito ni meyn. Si Paul Pots ay isang mobile phone salesman.

Ang mananalo sa british got talent ay bibigyan ng pagkakataong magperform sa harap ng reyna ng Britanya. Enough talk… eto na siya at kayo na ang humusga.🙂 enjoy!

Nag-apply nanaman ang kasabihang “Don’t judge a book by its cover”