Simula ngayon, isusulat ko na ang mga karanasan ko mula sa librong ito. Hindi dahil marami akong oras, o wala akong maisulat. Kundi dahil nais kong ibahagi sa inyo ang aking mga karanasan at aral na napulot ko dito. Eto ang kwento kung paano ko nalaman ang tungkol dito.

Nagyoyosi ako sa labas ng bahay, kakwentuhan ko ang kaibigan ko. Lumabas ang kuya ko at pinilit akong manuod ng Oprah, maganda daw ang topic, dedma naman ako kaya sabi ko ay mamaya na lang. Pumasok ako sa loob ng bahay para kumuha ng juice, naisip kasi naming mas masarap magkwentuhan pag may kaunting alak. Napanuod ko ng kaunti ang sinasabi ni Michael Beckwith na isang “Visionary” at naintriga ako sa mga sinasabi nya. Nagtimpla ako ng juice, at lumabas na ulit. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ng isang visionary, hindi ko rin alam kung magkano ang suweldo niya. Basta ang alam ko, ginamit niya ang “SECRET” at nais niyang ibahagi ang kaalamang ito.

THE SECRET” yan ang title ng libro. Lumipas pa ang ilang buwan at hindi ko na ito naalala, hanggang isang araw noong mapasyal ako sa Quiapo ay aksidenteng nakita ko ang DVD version ng librong ito. Noong araw na yon, bumibili lang ako ng DVD ng “Heroes” at “My Name Is Earl” Kakatapos ko lang kasing magresign magtrabaho at kailangan ko ng mapaglilibangan. Naghahanap ako ng DVD ng “Prison Break” pero aksidente kong nakita ang DVD ng the secret sa isang sulok, wala itong ibang kasama, at isang kopya na lang ang natitira. Itinanong ko sa tindero kung maganda ba, sabi niya sakin ay hindi niya alam. Tinesting ko lang upang makita ko kung malinaw, ok naman ang kopya. Magaling na kasi ang mga pirata, parang pang Harvard na ang kaalaman nila sa pangongopya ng DVD.

Umuwi ako at nanuod ng konting episodes ng DVD. madaling araw na ng maisip kong panuorin ang “THE SECRET” noong una, akala ko pelikula na kapupulutan ng aral. Disappointed ako kasi para palang dokyu ang style. Pero hindi naglaon… Nalulong ako… Hindi ko mapakawalan ang screen ng laptop ko. Para akong nahipnotismo. Sa huli, nakita ko ang sarili ko na may luha sa mata, parang nakita ko ang sarili ko sa napanuod ko at kung ano ang mga maling bagay na ginawa ko sa buhay ko. Hindi ako iyakin, pero pag umiyak ako, mauubos ang tissue dahil sasamahan na ng sipon ang luha ko.

Hindi ko akalain na sa halagang 30 pesos ay magbabago ang pananaw ko sa buhay. Hindi ko rin inaasahan na sa pagkakataon na pumunta ako sa Quiapo ay makikita ko at bibilhin ang DVD nito.

(May DVD at May Libro ang The Secret, Yung DVD straight to the point, yung libro may mga dagdag kaalaman.)

Pagluwas ko ng maynila ay naghanap ako ng libro nito, ang halaga- 780 pesos. Halaga na hindi ko pwedeng ibawas sa savings ko dahil fresh pa ang resignation ko at naisip kong baka kailanganin ko ang pera sa mas importanteng bagay. Nalungkot ako, gusto ko kasing bumili. Naisip ko na lang na gamitin ang “SECRET” para makakuha ako ng kopya nung libro na wala akong inilalabas na salapi.

Hindi ko alam kung coincidence lang o talagang nakasulat na sa kapalaran ko. Naisip kong gumawa ng blog, dumaan kasi ako sa isang malungkot na yugto ng ma-adventure kong buhay. Sa mundo ng blogging, marami akong nakilala, isa na dito si Nika. At hindi naglaon, binigyan niya ako ng kopya ng eBook ng “THE SECRET” ginamit ko ang secret… nakuha ko ang libro.

Lampas 10 beses ko na napanuod ang DVD, yung libro naman ay 1/4 pa lang nababasa ko. Palagay ko, wala namang mawawala kung susundin mo yung “SECRET” wala naman kasi akong makitang masamang turo nito.

Para kay Peach, Bluepanjeet, Misyel, Iris, Macmac, Sarcastic Saint, Pure, Meyn. Sana magustuhan niyo yung libro, at tulad ko, may mapulot kayong aral at magkaron ng practical application para sa inyo ang “SECRET”.πŸ™‚

Sa mga nais ng kopya, message niyo lang ako…πŸ™‚

Sa ngayon, iiwan ko muna ang post na ito… maglalagay na lang ako ng update…