Malapit na akong mag-isang buwan sa mundo ng blogging, at napansin ko na tuwing weekend ay medyo maikli ang post ko. Marami kasi ang nangyayari pag weekend, mag-iinom, lalabas, magkakape (sa bahay o sa labas) gimik (minus ang pagtingin sa mga chicks kasi faithful ako… totoo!) tatambay habang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan, food trip, pagkain ng taho ng alas 12 ng gabi para sa kinakailangang sugar rush, pagbili ng homemade pizza na binibili namin kay Pizza man. Sa halagang P5.00 per slice, maigi nang lamang tiyan.🙂

Mamaya lalabas ako, maghahanap ng magagawa, magdadala ako ng camera para kung sakaling may masaksihan akong kakaiba ay makunan ko ng litrato. Hindi ako magpupuyat kasi laban ni Pacquiao bukas. Hindi ko paborito si Pacquiao, hindi rin ako sang-ayon sa pagkandidato niya noong nakaraang eleksyon. Gusto ko lang siyang suportahan dahil kababayan ko siya at proud ako na isa siyang pinoy. As for his brother Bobby, Napanuod ko ang laban niya kahapon sa youtube, ito yung laban niya noong March 13, 2008. Hindi maganda ang resulta, hindi siya nang-lowblow gaya ng inaasahan ko pero tumba agad siya sa first round.

Bukas inaasahan ko na ang zero crime rate sa buong bansa. Marami ang nagsasabing sana araw-araw na lang may laban si Manny Pacquiao para payapa ang Pilipinas. Kung ganun ang mangyayari ay asahan nating maduduling, mapaparalisado or mamamatay ang bidang boksingero natin.

At gaya noong mga nakaraang laban niya, may palaging kumakalat na text na after manalo si Pacman ay nagkakaroon ng malaking trahedya, gaya ng Ultra stampede, Glorietta bombing at landslide. Kung ganito ang kapalit ng isang beses na pagkapanalo… Sana matalo na lang siya. No offense sa mga taga-hanga niya pero mas gugustuhin ko pa na matalo siya kaysa may kapalit nanaman na malaking trahedya.

Ang tagal ko na nagkakalikot ng blog ko, ngayon ko lang napansin na puwede palang maglagay ng video dito! akala ko parang special yun para dun sa iba! Ngorks!

Oh pano? hanggang sa muli mga batang batibot! Paalam!