Ala-1 na ng madaling araw, medyo kumakalam ang sikmura ko. Naisip kong kumuha ng kape at tinapay sa taas. Mahilig ako sa kape, pero binabawasan ko na, iba kasi ang tama nito sakin, yung tinapay naman ay nilagyan ko ng cheezwiz, naaalala ko tuloy pag ganito ang baon ko sa school noong elementary. Minsan pa napapanis pag napalagay yung lunchbox mo sa may bintana tapos nasinagan ng araw. Pag ganun ang nangyari ay mapipilitan kang bumili sa canteen ng sandwich na lasa din namang panis.

Ang kape, masarap habang mainit, pag lumamig na ay lagyan mo naman ng yelo para maging iced coffee. Pero ang laptop ko, daig pa yung stove namin sa init. Halos 5 araw ko na kasi itong hindi pinapatay dahil sa mga dina-download kong ilang GB pa ang natitira. Ang tanging pahinga ng laptop ko ay pag nagrerestart ako para mapalamig ito ng konti. after 3 minutes, on na ulit tpos online na ulit. May ilang pagkakataon na rin na halos isang linggong hindi patay ang laptop ko, may iniipit lang ako sa may LCD screen para mamatay yung monitor, sa ganung paraan, hindi masyadong umiinit yung LCD. :p
Ubos na ang tinapay na kinakain ko, ang kape ko naman ay kalahati na, ang laptop ko, mainit na, ang mata ko parang may buhangin, ang yosi ko kokonti na.