Isa sa mga dahilan kaya ayaw ko ng pinoy movies ay dahil isa lang palagi ang plot ng istorya, nagiiba-iba lang ang artista. May mangilan-ngilan din naman akong tagalog movies na pinanuod dahil maganda ang istorya.

My top 3:

  • Magnifico
  • 3 taong walang diyos
  • Mistah

Indie film: Tulad ng dati

Sa pelikulang tagalog marami tayong mga katagang madalas ay nakinig na, gasgas na kumbaga.

  • Kontrabida: Mga gung-gong! iisa na lang nakatakas pa?
  • Tauhan ng kontrabida: May sa palos talaga boss!

Yan ang karaniwang dayalogo pag ang bida ay nakatakas sa matinding gunfight sa lumang warehouse. Sa 1,000 bala na pinaputok, wala kahit isa ang tumama sa bida. Ganyan kagaling ang mga bida natin, kahit padaplis lang wala. Pawisan lang siya at madungis.

  • Anak: Itay, eto po ang kinita ko.
  • Tatay: Aba kulang to ah! asan na ang iba?
  • Anak: Itay wala na po. Yan lang po talaga.

(kinapkapan at binugbog ang anak sabay may malalaglag na pera)

  • Tatay: Anong wala? eto, pera to ah! ipapahiya mo pa ako sa barkada?!
  • Anak: Wag po itay, pambili ko po yan ng gamot ni inay… huwaaa! huwaaa!

Sa scene na yan, lasing ang ama at kailangan ng pambili ng alak kung hindi ay mapapahiya siya sa mga kaibigan niyang lasinggero din. Ang bata naman ay galing sa pagtitinda ng sampaguita at may nakaipit na bente sa brief.

  • Kalaban: Ilabas mo na ang epektus…

Dito naman, ang tawag nila sa droga ay “epektus” isang salitang kalye para sa drugs na halos lahat naman tayo ay alam na droga yon. Sana palitan na nila yung term na yun. Hindi na nakakatuwa.

Ang mga karaniwang nangyayari naman sa pelikula ay:

  • Napatay ang miyembro ng pamilya (buong pamilya, anak, katipan, asawa) kaya gustong maghiganti.
  • Mahirap ang bida at mayamang druglord ang kalaban.
  • May ibat-ibang anggulo ang pagtilapon ng koteseng “box type” dahil sa nakaharang kung-ano sa daan.
  • Ang sasakyan ng pulis ay owner type jeep.
  • Ang bida ay probinsyano o laki sa Tondo.
  • Pagkatapos ng isang malaking pagsubok ay pupunta sa beach at magsasayawan, lalabas ang mga extra at misteryosong makikisayaw sa parehong step. Karaniwang makikita ang mga ganitong tagpo sa mga pinoy comedy movies. Ang tugtog ay “Oh Carolina” by Shaggy.
  • Ang leading lady ay “naii-kama” ng bida kahit hindi pa sila ganoong magkakilala, parang love at first sight.
  • Huli ang pulis sa bakbakan.
  • Naguusap bago magbarilan.
  • Nabubuhay ang patay sa mga lamay at nakikisali sa gulo, makikita ito sa mga lumang comedy movies.
  • May nakahandang dyaryo para may panghampas sa supporting role ang bida.
  • Ang theme song ay inaawit ng sabay ng bida at ng leading lady.