“Bangungot”

Sa bawat sulok ng aking kwarto
Apat na kandila ang siyang nagsilbing liwanag
Upang ang damdamin ay hindi pangunahan ng panglaw
At mapawi ang takot na tangan ng kadiliman

Sa harap ng salamin ako ay tumayo
At nakita ang kahapong aking itinatago
Pikit matang tumalikod upang makita
Ang anino ng taong sa akin ay humusga

Lakas ng loob ang tanging sandata
Tiwala sa sarili ang nagsilbing baluti
Liwanag ng kandila ang nagsilbing mata
Haharapin ang panganib sa harapan ay nakaamba

Pilit itinaboy aninong malaki
Bawat kilos at galaw parang katawan ay nakatali
Sumisigaw ngunit walang boses na lumalabas
Katawang hindi maigalaw kahit magpumiglas

Isang panaginip, na ang diwa ang lumikha
Parang totoo, dala ay pawis at kaba
Pagmulat ay ang laptop ang nakita
Kaya naisulat ang kathang gawa sa wika

(ano ba ang tagalog sa laptop?)