Nais ko lang magpasalamat sa mga bumibisita, nagbabasa, nagbibigay ng kuro-kuro at mga taong nagrerequest na sana ay english ang isulat ko dito. Naka-1,000 hits na ako as of today since nagsimula akong magsulat noong Feb 19, at dahil yan sa inyong masugid na pagbisita. Marami akong nakilalang mababait na tao sa mundo ng blogoshpere, marami rin akong kaibigan na muli kong nakausap at nakakwentuhan sa tulong ng blog ko.

Maraming salamat po sa inyo! Special thanks din kay Bluepanjeet kasi dahil sa blog niya ay nabuhayan akong magsulat. Isa rin siya sa mga unang naging bisita ko sa blog ko.

Marami pa akong dapat malaman, marami pang dapat alamin sa bagong mundo na pinasukan ko, pero dahil sa pagbabasa ko ng mga blog niyo (mga taga WPP) marami na akong natutunan.

Sa mga bumabasa, at bumibisita, magpakilala naman kayo minsan para mapasalamatan ko kayo kahit sa pasa-load lang or munting mensahe sa YM.

Salamat ng marami…

Si Mix po ito… always turned on!… parang bastos ah…

Always online!

Eto Ang Sayo!