Ngayon ay March 9, isang buwan na simula noong naiwan ako… kung bakit… mahabang kwento… pero I’m still picking up the pieces left of me when she left for abroad. Parang nabingi ako kasi gumising na lang ako isang araw ay wala na siya, akala ko ready na ako, pero yun naman sinasabi natin sa sarili natin pag natatakot tayo eh… “ready na ako…” sabay magkukulong sa kwarto at mag-eemote…

Simula noong umalis cya, kung ano-ano nang tula at sulat sa sarili ko ang nagawa ko. May ilan na rin akong awiting isinulat para sa kanya, kulang na lang ay gitara. Hanggang sa nagsimula na nga akong mag-blog para may outlet ako. Hindi ako magsusulat sa blog ko ng kahit na anong tungkol sa lovelife ko, reserved kasi yung part na yun. Pero today, dahil nalulungkot ako eh wala akong magawa, parang alipin ako ng keyboard at parang gumagalaw ng kusa ang mga daliri ko.

I miss her…

And its hard to let go a person who was never yours… I learned this the hard way…

I miss you Maloi…

It was not planned… But I am who I am today because of you… You made me a better person… Salamat!

🙂 Alam kong ayaw mo ng sad face… kaya smiley na lang…