Kanina lang pagkatapos kong mananghalian ay binusisi ko ang blog ko, pinagmasdan ko ang graph ng mga bumibisita sa site ko, andoon ang use ng keywords, tags, searches, at clicks sa link. Isa ang pumukaw sa aking mga mata, ito ay ang search term na “mga larawan na naka hubo” na base sa aking pagkaalam ay sa friendster search nanggaling, ika-1 pa ako sa listahan eto ang link http://tinyurl.com/yr5oka ito ang bumuo sa araw ko, hindi ko alam kung hahagalpak ako ng tawa, o kung maiinis ako dahil wala naman akong makitang hubo sa blog ko! haha! Ang header ko lang sa itaas na may larawan ko sa waterfalls ang nakikita kong hubad, pero malaki ang pinagkaiba ng hubo sa hubad. At kung tutuusin, hindi naman “yummy” ang picture ko sa taas dahil todo stolen shot yan ng pag-eemote ko sa gubat.

Eto ang pagkakaiba ng “Hubo” at “Hubad”

Si Winnie the pooh – Hubo
Si Hulk Hogan – Hubad
Si Britney Spears – Hubo (kasi meron siyang mga pics na walang panty na kumalat sa internet)
Si Vanessa Hudgens – Hubo’t hubad (aminado naman siya na siya talaga yung nasa pic)
Si Donald duck – Hubo
Si Papa Shango (WWF) – Bungo

papa shango

Sa blog ko, walang kahit na anong larawang hubo na makikita, kaya bakit naman kaya numero uno pa ako sa search results. This really made my day! haha!

P.S. While writing this, may bumato sa akin ng kahoy, hindi ko alam kung buhay pa si papa shango pero inalayan ko na lang siya ng larawan dito. Siya kasi ang pinaka wholesome sa post na ito, maglalagay sana ako ng pictures noong iba kaya lang baka mag spike yung graph ko at akalaing porn site ito. Kung patay ka na papa shango, rest in peace. Kung buhay ka pa, peace tyo! Ayoko ng may multo pag alas 3 ng hapon… hindi nakakatuwa… walang “thrill!”