Pag weekend, wala akong drive para magsulat. Ang dami kasi ng puwedeng gawin, pero this weekend, hindi ako magsusulat hindi dahil maglalakwatsa ako o gigimik. Ito ay dahil sa Civil service exam na kukunin ko sa linggo.

Isang araw kasi ay bigla na lang akong ikinuha ng nanay ko ng civil service form, kumuha na daw ako. Hindi ko naman maisip ang praktikal na gamit nito dahil aalis na ako patungong ibang bansa. Pero dahil mabait at masunurin akong bata, kukuha ako nito. May reviewer na binili ang ate ko, sabay kasi kaming kukuha, ok naman at madali lang yung mga tanong, ngunit ng dumating na ako sa math… ay nako… mas magulo pa sa pag-ibig ang math…

Ako ang taong hindi mahilig sa math, nararamdaman ko lang ang math sa buhay ko pag araw na ng suweldo or pag maniningil na ako ng utang. Ako ang taong nagagalit pag math na ang pinaguusapan. Galit ako sa math… ang math ang weakness ko…

Marunong naman ako kahit papaano, ayaw ko lang talaga ng math kahit na simple computation lang, wala akong tiyaga. Hindi rin naman ako bobo sa math, sa katunayan ay hindi naman ako bumagsak sa kahit na anong subject na may math, except noong sinuhulan ko ang prof ko noong college ng victoria’s secret na pabango. Para tumaas ng konti ang grade kong naghihingalo.

Kailangan kong magreview mamaya, mahirap na, baka bumagsak pa ako dahil sa subject na yan, sayang din ang P350 na binayaran ko… Pero sa una pa lang sayang na talaga… Sa bulsa lang kasi ng pulitiko napupunta. Hindi lahat ng pulitiko masama… Pero pag ang pulitiko naging masama… parang math na sila… kasuklam-suklam!

Sana pumasa ako… kahit feeling ko hindi naman ako makakapagreview…