Alas 12 na ng tanghali nang gumising ako ng kaibigan kong si Jobel, niyaya niya akong pumunta sa tayabas para magswimming, kahit may plano ako para sa araw ko ng Linggo, sumama ako sapagkat matagal ko na ring hindi nakikita si Karen at RB na may pakana ng lahat ng ito. Hindi na dapat ako makakapag-online kahapon, pakiramdam ko ay hindi kumpleto ang araw ko kung hindi ko masisilip ang mga kalokohan ko sa internet.

Nagtext ako kay Karen para sabay na kaming pumunta sa tayabas, nakakainip din kasi ang biyahe papunta doon kung walang kasama. Hindi pa ako kumakain, or umiinom ng kahit anong liquid pero sige lang, larga lang, naisip ko kasing may madadaanan naman kaming makakainan.Bakit kasi naisip ko pang mag-internet sa halip na kumain kahit isang pirasong biskwit.

1st stop Sm Lucena: Dito, bumaba kami ni Karen para sumakay ng van patungong tayabas, linggo pero kaunti ang tao, fasting din siguro ang mga pitaka nila. Sumakay kami ng lumang L300 van na pwede nang ipa-kilo kung sakaling magigipit. Bakit naman kasi kung ano ang kabuhayan mo ay hindi iniingatan. Hindi ako pakialamero, mahilig lang akong magmasid. Ang damage sa pamasahe, 30 pesos each. Hindi ko alam kung mabagal akong bumunot ng wallet o mabilis lang talaga si karen humugot ng pitaka. Inilibre nya ako ng pamasahe.πŸ™‚

2nd stop Tayabas: Bumaba kami sa palengke ng tayabas, naglakad papunta sa bahay ni RB. Tinagpo kami ni RB sa isang kanto at pumunta muna kami sa bahay nila. Sa daan ay kinuha ni RB ang ipinalutong “Chami at Chuva.” Sa kanto naman ng street nila ay napa-ibig akong kumain ng “lumpiang shanghai, lumpiang gulay at pilipit”

Malinamnam na pagkain

Bumili ako ng 2 pirasong shanghai, 1 pirasong lumpiang gulay at isang pilipit. Ok naman ang lasa, na-retain pa rin ang lasang “probinsya” kahit ang Tayabas ay binansagan nang ciudad last year lang. Ang presyo ng bawat isa ay 3 piso. Bumili pa ako ng 15 pirasong pilipit para madala namin sa swimming.

3rd Stop Sa jeepney papuntang Nawawalang Paraiso: Ang nawawalang paraiso ay isang resort na madaling matagpuan, katabi lang kasi ito ng kalye. Sa jeepney, nilibang ako ni RB ng kanyang mga kwento, isa na dito ang patunay na si Batista ay isang pinoy at may “Bloodline” pa ni Manuel L. Quezon. Humiram siya saakin ng Bente pesos na may kasamang ngiti na para bang “iisahan kita…” Ang resulta – ebidensiya!

Evidence

(Baka po may magalit… This is just for laughs…)

Kamukha nga ni Batista si Quezon sa pamamagitan lang ng isang tupi sa noo, at kaunting goatie na patago pang inilagay ni RB. Naaliw naman ako kay RB pero binawi ko ang bente pesos. Sayang din naman, nainiwala kasi ako na ang totoong kaligayahan ay walang katumbas na halaga.

4th stop Nawawalang Paraiso: Ito rin ang isa sa pinakamatandang resort sa lugar na ito, bata pa kasi ako eh naaalala ko na ang lugar na ito. Malamig ang tubig dahil ito ay galing sa bukal na galing sa kung saan. Hindi muna ako naglangoy, nagkwentuhan muna kami ni Jobel, miss ko na kasi siya. Bumili siya ng isang longneck na Emperador, hudyat na kailangan kong uminom kahit isang buwan na akong tumigil. Sa araw na iyon, nabinyagan nanaman ng alak ang maselan kong atay. Inihain namin ang mga dalang pagkain, pinapak ang pilipit at umistedi sa isang tabi. Dahil 3 oras lang naman kami ay hindi na kami kumuha ng cottage na gawa sa purong ginto at mamahaling diamante, 400 pesos kasi ang renta nito.

Jobel & Me

Maganda ang nakuha naming pwesto, 3 sementong bilog na bagay na bagay kung may dala kaming Chess board, Snakes and Ladders, or Monopoly. Pero sa ngayon, chami, churva, kaunting alak, pilipit, hilaw na mangga at ponkan ang nasa mesa. Kung itinatanong ninyo sa inyong sarili kung ano ba ang “Chuva” eh pareho tayo ng reaksyon. Bakit naman kasi pangalanan ang isang pagkain gamit ang “Gay Lingo.”

Masarap ang chuva at eto ang larawan para magkaron kayo ng idea kung ano ang hitsura ng pagkaing masarap ngunit may nakakabaklang pangalan. Ang chami naman ang pansit ng Quezon, gaya ng pansit Lucban, pansit Malabon etc.

Churva and Chami

Ang chuva ay gawa sa pork, na may breading. Moving on…

Ala-6 ng gabi ng nagpasya na kaming umuwi, sa jeep ay bahagya akong nakatulog dahil sa nainom kong alak, pagdating namin sa bayan ng Lucena ay hindi pa rin tapos ang adventure namin, dumaan kami sa isang bagong bukas na ukay-ukay.

Grupicukaydsc03955.jpgdsc03952.jpg

Hindi ako masyadong mahilig sa ukay, hindi kasi ako magaling kumilatis ng produkto kung sulit ba ito o mas ok bumili ng bago. Salamat kay Jobel at RB na nagsilbing model sa mga larawan.

Salamat sa inyong 3, RB, Karen, at Jobel… nabuo ang linggo ko.

Kung mapapansin ay walang picture habang naglalangoy kami… hindi pa kasi pang “summer looks” ang katawan ko… hehe! Sa kabuuan, naging masaya ang araw na ito, nakasama ko ang mga kaibigan ko, at nakapag-unwind kami kahit papaano. Minsan masyado tayong nagiging focused sa mga bagay na magpapasaya sa atin, siguro ang dapat nating pagtuunan ng pansin ay kung paano natin mapapaligaya ang mga tao sa paligid natin.πŸ™‚

Last stop: Ang paborito kong lugar… kwarto ko sa basement…