Alas-10 na ng gabi, maaga pa ako gigising mamaya dahil luluwas ako ng Manila para sa Chemo ng pamangkin kong may Leukemia. Ngayon ko lang nalaman na wala na pala akong pantalon na isusuot bukas, kakatapos ko lang maglaba, sana matuyo gamit ang lumang standard elektrikpan.

Nakakainis ang mga ganitong sitwasyon, yung tipong akala mo tapos na lahat ng gagawin mo sa buong araw tapos ay merong biglang bubulaga sa iyo na panibagong pagsubok. Yan siguro ang dahilan kung bakit hanggang “Kab iskawt” lang ako, hindi na ako naging boy scout kahit kelan.

Teka… may boxers brief pa kaya ako? waaa!