Humihingi ako ng paumanhin sa mga taong nag-alala sa akin dahil na-iwan ko ang YM ko na may status na “I need help, seriously…” Bigla akong nakatulog kagabi na para bang may indian na nag supla sa akin ng karayom na may pampatulog. Hindi ko sinasadyang maiwan ang status ng YM ko na ganun.😦

Eto ang nangyari… Praning ako kagabi at marami akong techie problems na hindi ma-solve. Na google ko na ang lahat ng sulok ng mundo at nag post na rin ako sa Tipidpc.com ng problema ko pero walang makasagot ng problema ko. May mga nag message sakin sa YM na hindi naman seryoso ang sagot at lalo lang ako nafrustrate.

Pagkamulat ng mga mata ko 5 minuto na ang nakararaan, puno ang screen ko ng mga mensahe galing sa aking mga kaibigan, at kamag-anak. Humihingi po ako ng paumanhin, may pagkatechie po ang problema ko at hindi naman po personal, hindi ko sinasadya na pagalalahanin kayo sa kalagayan ko. Muli po patawad…

Ok na po ako ngayon, naisip ko na hindi ko naman dapat pinoproblema ang mga bagay na ganyan, ayon sa librong “Don’t sweat the small stuff” may mga panahong dapat mag “let go” tayo dahil kadalasan, yung maliliit at insignificant na problema ang iniisip natin. Para itong maliit na buto, pag itinanim mo, tutubo at magiging isang malaking puno. Lalaki lang at magiging stress.

Magandang Umaga! Sorry po ulit sa lahat… O, hala… soundtrip muna bago mag tanghalian…

Random pick: Beautiful girls.mp3 ni Sean Kingston

irony: Suicidal… Suicidal… waaaaaa!

Hindi po ako suicidal…😯