Yan ang itinatanong ko sa sarili ko ngayon. Kadalasan kasi eh itinatanong natin yan pag in-love tayo, ano nga ba ang gagamitin mo? puso ba? o utak?. Pag sa aspetong teknikal, utak talaga ang dapat gamitin, kasi ang feelings of love ay isang chemical imbalance sa utak. Ang puso kasi eh tumitibok lang, hindi marunong mag-isip.

Karaniwan ang pinipili ng mga tao ay puso. Dito mo na makikinig ang mga katagang:

“Langit ka at lupa ako, pero walang imposible, ipaglalaban kita.” (sarap pakinggan)

“Handa akong isuko lahat, ibigin mo lang ako.” (ulol, sino ba naman ang taong iibig sa mabilis sumuko? at take note, “lahat” hahahaha!)

Biglang na-blanko ako… siguro masyado lang akong nag-iisip… kailangan ko ng yosi…

Dahil hindi tumatakbo ang utak ko eh ang puso ko at baga ko ang parurusahan ko ng usok ng sigarilyo. Unfair sa puso at baga ko pero palagay ko yun lang ang magandang gawin pansamantala. Sa pagkakataong ito, ginamit ko ang utak ko, para gamitin ang puso at baga ko para makapag-isip ako ng maayos. Siguro konting asin, paminta, betsin, at bawang eh pwede na akong magluto ng Bopis.

Paraan sa pagluluto ng Bopis:

1. Sa kawaling may mantika, igisa ang bawang at sibuyas.
2. Ihalo ang tinadtad na puso at baga.
3. Lagyan ng paminta at asin na angkop sa panlasa.
4. Dagdagan ng dahon ng oregano, laurel, red bell pepper and suka.
5. Laksan ang apoy hanggang kumulo ng hindi hinahalo.
6. Makaraan ang ilang minuto, dagdagan ng sili.
7. Hinaan ang apoy at pagmasdan ang experimentong bopis.
8. Lagyan ng kaunting atsuete oil.
9. Ihain sa lamesa habang mainit pa.
10. (optional) kung hindi nagustuhan ang lasa, Ilagay sa isang mangkok at ipamigay sa kapit bahay.

Itinatanong natin sa sarili natin kung anong gagamitin. Puso o Utak? ngayon alam ko na ang sagot…

Gutom lang yan… kelangan ko lang kumuha ng crackers at maiinom.