Do you still remember when you were young, pinipilit ka ng mga magulang mo na kumain ng gulay? ako oo, pero bihira ako kumain non, pakiramdam ko kasi eh hindi ko pa kailangan yun dahil hindi naman masarap. cguro na-experience nyo rin yun, except if kung gulay ang hilig mo at paborito mo pa ay ampalaya, kung ako ang nasa kalagayan mo eh baka nag hunger strike ako noon. Hindi ako mahilig sa gulay, at mabibilang mo lang sa daliri mo ang mga kinakain ko… eto ang ilan sa mga gulay na kinakain ko, or nakakain ko ng akidente:

Lettuce (letsugas) – kakain ako ng lettuce kahit gaano pa karami yan! basta nakapalaman sa tinapay at may 3 burger patties at cheese at bacon!

Green beans (Sitaw) – kakain ako nyan kung igigisa kasama ang dalawang kilong Sugpo!

Tomatoes (kamatis) – eto kakainin ko kahit walang kahalo, basta in the form of ketchup!

Ampalaya (bitter melon) – kakain ako nito sa isang kundisyon, samahan mo ng maraming lechon!

Potato (Patatas) – Wala nang sasarap pa sa french fries! greasy!

Garlic (bawang) – yung may kasamang corn bits! para boy bawang!

Onions (Sibuyas) – siyempre hindi mo maiiwasang hindi kumain nito pag nilalantakan mo ang shawarma!

Egg Plant (Talong) – Torta! Tapos!

Bean sprout (Togue) – pagkain sa SM food court pag walang pera!

Kabute (Mushrooms) – Hindi ito yung droga, masama yun. masarap ang mushroom pag nasa pizza!

Kinchay (Cilantro) – Hindi pwedeng wala yan sa lumpiang shanghai!

Bottom Line: Masarap kumain, kahit pa gulay yan or karne, caviar or isaw, ang problema, mahirap humanap ng pagkain lalo na kung wala kang pera. Magsumikap ka!